ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 11, 2024
Photo: Manay Lolit Solis, Alden at Kathryn - Instagram
Isa pala ang veteran writer-talent manager na si Manay Lolit Solis sa mga naniniwalang pang-"camera" lang ang closeness nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at hindi ito mauuwi sa real-life relationship.
Nakatsikahan namin si Manay Lolit kamakailan sa ipinatawag niyang get-together lunch for Buhay Partylist Representative Lito Atienza.
Dahil fresh pa ang box office success ng Hello, Love, Again, nahingi ang opinyon ng writer-talent manager sa namumuong closeness daw nina Kathryn at Alden na nag-skydiving pa nga sa Dubai bago bumalik ng 'Pinas pagkatapos ng promo ng kanilang movie.
Diretsong sagot ni Manay Lolit sa tanong namin kung naniniwala ba siyang pang-'reel' lang ang KathDen at hindi pang-'real', "Oo, kasi parang si Alden naman, 'di ba 'di nanliligaw?"
"So, 'di sila bagay?" dagdag na tanong.
"Parang hindi, parang si Kathryn, parang maldita, too maldita for Alden," kaswal na opinyon ni Manay Lolit.
At du'n nga niya naikuwento 'yung first encounter niya kay Kathryn sa salon ni Bambbi Fuentes kung saan "dedmabels" at hindi man lang daw bumati ang aktres kahit dinatnan siya roon.
Ipinagtanggol naman si Kathryn ng mga kausap na reporters ni Manay na baka bata pa kasi siya noon at hindi pa sikat kaya nahihiya pa.
Dagdag-kuwento naman ni Manay Lolit, tuwing nakikita niya si Kathryn ay may ginagawa itong tumatatak sa kanya.
Isang insidente nga raw ay nakita niyang todo-bati ito sa mga fans, pero pagtalikod ng aktres ay nag-make face itong parang naiinis.
Although aminado naman ang talent manager na mabait at magalang din si Kathryn sa kanya, "Pero 'di ko nakita 'yung kagaya nu'ng kay Alden. Si Alden, parang sincere ang kabaitan," chika pa ni Manay Lolit.
When asked kung ano'ng gusto niyang sabihin kay Kathryn kapag nagkita silang muli, "Basta consistent ka lang sa ugali mo. Kasi kung kilala kang maldita, eh, di magmaldita ka na all the way. Ganu'n ako, tanggap ko naman na kahit maldita ka, may mga tao kang gusto, may ayaw. So kung talagang nagmamaldita ka, ituluy-tuloy mo na 'yan, 'no, 'wag ka nang magplastik," no sugar coating na mensahe ng veteran writer-talent manager para sa Kapamilya prime actress.
Diretsahan nang sinabi ni Bossing Vic Sotto sa nakaraang grand mediacon ng MMFF entry nila ni Piolo Pascual na The Kingdom na 'wag mag-expect at 'di dapat hanapin ng mga fans niya ang "komedyanteng" Bossing Vic sa pelikulang ito dahil ibang-iba talaga ang kanyang karakter bilang si Lakan Makisig na isang hari at pinuno ng kanyang kaharian.
Bagama't first time gumanap ni Bossing Vic sa ganitong klaseng role, na-challenge raw siya dahil na rin sa request ng kanyang mga anak na gumawa naman siya ng seryosong role para makita ang ibang side niya bilang aktor.
Bukod pa rito, nakita niya ang galing at passion ni Piolo bilang aktor na ang husay daw mag-memorize ng mahahabang lines at kinakarir ang pag-arte kaya nakipagsabayan naman si Bossing Vic kahit bago para sa kanya ang ginawa.
Nang ipalabas ang trailer ng The Kingdom, ang daming na-excite dahil mala-Hollywood daw ang cinematography at visuals ng pelikula at naiintriga ang marami sa 'seryosong' Vic Sotto na mapapanood nila sa movie at kung paano ito nakipagsabayan kay Piolo (magsasaka ang role) na kilalang magaling na dramatic actor.
Sa mga online discussions, sari-sari ang mga reaksiyon ng mga tao, pero halos iisa ang mga sinasabi – impressive ang pelikula, kakaiba ang produksiyon na mukha talagang ginastusan. Magagaling din ang lahat ng artista kung saan kasama sina Cristine Reyes, Sue Ramirez at Sid Lucero sa supporting cast.
Excited na ang mga fans na mapanood kung paano bibigyang-buhay ng The Kingdom ang alternate reality ng isang Pilipinas na hindi nasakop ng mga dayuhan. For sure, another exciting MMFF ang tatangkilikin ng maraming manonood sa darating na Kapaskuhan, at isa ang The Kingdom sa nakikinitang pipilahan sa takilya mula sa direksiyon ni Mike Tuviera.
HINDI naman pala tuluyang nagpahinga sa pagkanta ang magaling at biriterang singer na si Bituin Escalante, mas nag-focus lang daw siya sa teatro dahil theater person talaga siya more than being a mainstream singer.
Isa sa cast ng MMFF entry na Isang Himala si Bituin at nakausap namin siya matapos ang ginanap na grand mediacon last week.
Happy and thankful si Bituin na napili siyang mapasama sa Isang Himala na isang musical movie na pinagbibidahan ni Aicelle Santos, kung saan mga taga-teatro rin ang bumubuo sa whole cast.
Kuwento ni Bituin, hindi siya nawala sa pagkanta at pag-arte nang magka-dyowa siya at magkaroon ng dalawang magkasunod na anak na babae (year 2011 at 2012).
"We are… grabe, happy family life. I've never imagined," chika ni Bituin.
Inamin niyang hindi pa sila kasal ng ama ng kanyang dalawang anak.
"So, ito na naman 'yung mga little miracles of living in sin but finding joy," sabi ni Bituin na parang may segue pa sa movie nilang Isang Himala na ang kuwento ay umiikot sa paniniwala ng mga tao sa milagro o himala.
Paliwanag niya, walang divorce sa 'Pinas kaya kahit gustuhin man nilang magpakasal ng kanyang dyowa na kasamahan din niya sa teatro ay imposible pa ito sa ngayon.
Kasal sa una ang ama ng dalawang anak ni Bituin, kaya isa siya sa mga umaasa na ma-legalize na ang divorce sa 'Pinas para man lang daw sa mga bata na mas kailangan ito para maging legitimate children sila.
Samantala, gaganap si Bituin bilang si Aling Saling na nanay ni Elsa (played by Aicelle) sa Isang Himala na isa sa official entries sa 50th MMFF mula sa CreaZion Studios, panulat nina Ricky Lee at Vince de Jesus at direksiyon ni Pepe Diokno.
Bukod kina Aicelle at Bituin, kasama rin sa Isang Himala sina David Ezra (ito raw ang first mainstream movie ng anak ng singer na si Dulce), Kakki Teodoro at iba pang theater actors.
Kommentare