ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 14, 2024
Photo: Angel Locsin - FB
Sa mga nagtatanong kung nasaan na ba talaga si Angel Locsin na matagal nang ‘missing in action’ o MIA sa showbiz, wala raw kayong dapat ipag-alala dahil okey na okey ang aktres.
Matatandaan nga kasing muling nag-trending kamakailan si Angel dahil hinahanap siya ng mga tao sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.
During her active years nga naman kasi ay isa ang aktres sa mga prominent Kapamilya celebrities sa Christmas Station ID at hindi nawawala ang kanyang presence.
Mahigit dalawang taon nang hindi nagpapakita si Angel sa publiko at kahit sa kanyang socmed (social media) accounts ay hindi na rin siya aktibo.
Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang latest vlog ay okey na okey si Angel at abalang-abala raw sa gaming. Kung ano’ng klaseng gaming ito ay hindi na niya idinetalye pa.
“Si Angel Locsin po ay busy sa kanyang paglalaro sa gaming at parang wala s’yang plano pa muna na bumalik sa pag-aartista,” sey ni Ogie.
Sinabi rin niya na kailangang ‘in good shape’ muna ang aktres kung magbabalik ito sa showbiz.
From time to time ay nagbibigay din naman ng update ang best friend ni Angel na si Dimples Romana kapag natatanong siya ng press.
Ayon kay Dimples in her past interviews, maligayang-maligaya raw ngayon si Angel sa kanyang married life with Neil Arce at hindi pa nga raw nito naiisip magbalik-showbiz.
INAMIN ni Enrique Gil na may tsansa na magkasama pa rin sila sa isang proyekto ng dating girlfriend at ka-love team na si Liza Soberano.
Sa latest interview ng ABS-CBN sa aktor ay natanong siya kung ano ang update sa planong pagko-co-produce nila ng isang horror project.
“Yes, she is interested but she is in the US right now, she's in LA. But we talked about it for a bit. Yeah, she is interested but she is there right now,” sey ni Quen.
“So, who knows? Maybe next year. Sana, kung may time,” dagdag pa niya.
Sa isang panayam last November ay naibahagi na ni Quen ang possible collaboration nila ng ex-GF.
“We were talking the other day and sabi n’ya, she is really interested in my other project, the horror. When she comes back, we will talk about the storyboard. She also has a prod company there. Eventually, magko-collab kami,” sey ni Quen sa naturang panayam.
Samantala, naibalita rin ng aktor na balik-teleserye na siya ngayong 2025. Aniya ay kukunan daw ito sa Europe pero hindi pa niya sinabi kung ano ang title at kung sinu-sino ang makakasama niya.
“Mayroon nang leading lady, pero I don't think kung puwede pa. Hindi ko pa nakakausap. Nagmi-meeting kasi sila, nagpo-promo kami. So, hindi ko alam kung puwede nilang sabihin.
But as far as I know - yes, may naka-lock-in na for that. Excited na raw siya, nagte-training na raw, nagre-ready na,” sabi ng actor.
About the genre, sey ni Quen, “Gusto ko action s’ya, pero action-comedy, medyo may pagka-lightness. Kasi usually, super-bigat lagi ng mga action, so I wanted it medyo siyempre, may rom-com involved. Kailangan ‘yun sa TV, eh. Pero it’s kumbaga, medyo Ryan Reynolds-
ish na may lightness but there’s some mafia involved.”
Co-produced daw nila ng ABS-CBN ang upcoming series at konsepto rin daw niya kaya naman excited na siya.
Comments