ni Imee Marcos - @Buking | July 20, 2020
Bukod sa COVID-19, worried to death ako sa napipintong krisis sa tubig na kakaharapin ng ating bansa sa mga susunod na buwan, Juicekoday!
Tumaas kasi mga besh ang demand sa paggamit ng tubig para sa personal hygiene pati public sanitation dahil sa pandemya kaya talagang namemeligro na ang tubig sa Angat dam at walang masyadong ulan!
Alam n’yo ba mga seestra, halos masaid na ang pangunahing source ng tubig ng mga taga-Metro Manila sa Angat Dam? Aba, eh, mula sa dating 200 meters mula nang magsimula ang lockdown, eh, pumalo na sa pinakamababang antas ng tubig ang dam na naitala sa 186 meters noong July 14. ‘Kalokah, ‘di ba?!
At ngayon, halos 20 meters na mas mababa ito kesa sa normal na operating level na 205 meters, at konti na lang o 6 meters na lang bago ang minimum operating level nito na 180 meters. Que horror!
Hay naku mga frennie, baka umabot na tayo sa critical level na 160 meters pagpasok ng Oktubre, kung magpapatuloy ito. Alangan naman itigil ang paghuhugas ng kamay pati paglilinis ng paligid? Divah?
Eh, wala naman kasi tayong water security, bakit kamo? Paano hindi tumupad ang mga kompanya ng tubig sa obligasyon nila sa publiko batay sa napagkasunduan noong 1997. Palpakish talaga sila! Kaimbyerna!
Hindi ba, mga besh, halos 20th anibersaryo ng kapalpakan nila na tugunan ang pangakong magbigay ng 24-oras na suplay ng malinis na inuming tubig sa Metro Manila at mga karatig-lungsod sa Cavite at Rizal! Remember?
Kakapusin na nga sa tubig, eh, kapalmuks pa mga besh ang mga water concessionaire na ‘yan dahil sa taas ng singil sa tubig kahit pa may COVID-19 pandemic, mapagsamantala, dapat talaga ay managot sila! Ewan ko ba, dapat yata, gobyerno na ang mamahala sa serbisyo ng tubig! Agree?
Comments