ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 9, 2025
Kahit binabasa lang namin ang comment ni Vilma Santos na, “Congratulations, my son, Ryan! God bless, anak! Good luck to you!!” ramdam ang pagmamalaki nito sa anak na si Ryan Christian.
May kasamang red heart at clasped hands emojis ang post na ito ni Vilma sa Facebook (FB) ng anak.
Binati ni Vilma si Ryan dahil present ito sa first flag ceremony for 2025 sa Lipa City Hall. Ang tikas ni Ryan sa suot na Barong Tagalog at ang comment ng mga netizens, bagay siya sa tinatakbuhan niyang posisyon sa Lipa City.
May mga tumawag na nga kay Ryan na “Congressman” dahil tatakbo itong congressman sa 6th District ng Batangas sa darating na midterm elections sa May.
May tumawag naman sa kanya na, “Ang aming bagong congressman!” at may nagsabi ngayon pa lang na magiging good politician siya.
Sabi ni Ryan, “Ito ay isang importanteng pagtitipon upang salubungin ang panibagong yugto ng paglilingkod na may pagkakaisa, pagtutulungan, at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng malasakit sa ating mga kababayan.”
Anyway, patuloy ang international screening ng Uninvited nina Vilma, Nadine Lustre, at Aga Muhlach dahil pagkatapos sa Middle East, sa USA at Canada naman ang screening ng Mentorque at Project 8 Projects movie simula sa January 10, 2025.
Sa Jan. 19, sa Malta at Paris ang screening ng movie as per announced by Bryan Dy. Hindi nito nabanggit kung may cast member bang dadalo sa mga international screenings ng Uninvited.
Sa TikTok na muna nagpaparamdam si Barbie Forteza after ng breakup nila ni Jak Roberto at makikita siyang nagbabasa ng book habang nagkakape at nagde-dessert.
Makikita ring walang bahid ng lungkot ang kanyang mukha at mga mata, as in peaceful siya at ang haters lang naman ng aktres ang aligaga pa rin hanggang ngayon.
Positive ang mga comments na, “The era of loving yourself is always the best,” na sinundan ng isa pang comment na, “Yes to solo cafe dates!!!”
May nag-comment naman ng, “Naging light and peaceful ‘yung aura niya.”
Pati sa X (dating Twitter), nagparamdam si Barbie nang mag-comment tungkol sa winners sa Golden Globe Awards. Hindi lang maiwasan na may mga hirit at tanong na,
“Pero ba’t mo iniwan?” na si Jak ang tinutukoy. Hindi siya sinagot ni Barbie.
Pagkatapos pala ng breakup nina Barbie at Jak, marami ang nag-request sa GMA na bigyan ng rom-com series sina Barbie at David Licauco. Timing daw ito sa dalawa habang pareho silang single at baka may mas ilabas pa silang chemistry na hindi nila inilabas noong pareho silang nasa relasyon.
Kaya lang, matatagalan pa yata ang muling pagtatambal nina Barbie at David dahil nasa “solo” era sila ng kani-kanyang career. Gagawa muna sila ng project na hindi kasama ang isa’t isa at doon malalaman kung susuportahan pa rin sila ng BarDa fans kapag muling nagtambal.
‘Di magawa sa bahay, idinaan sa serye…
JILLIAN, INIYAKAN ANG PAGHIHIWALAY NG MADIR AT STEPDAD
Sa interview ni Nelson Canlas kay Jillian Ward, inamin nitong nagpalungkot sa 2024 niya ang paghihiwalay ng mom niya at ng kanyang stepdad na real dad na ang kanyang turing.
Sa kainitan ito ng hit afternoon series niyang Abot Kamay na Pangarap, kaya ‘yung iyak niya on cam ay totoo raw at ang nangyari sa relasyon ng mom niya at stepdad ang nasa isip niya.
Hindi raw alam ng mga co-stars niya na totoo ang kanyang iyak at sa trabaho niya ibinuhos ang sakit na naramdaman. Hindi raw siya makapaglabas ng sakit na nararamdaman sa kanilang bahay dahil hindi rin naman nagkukuwento ang mom niya sa nangyari.
But it seems, nabawasan na ang lungkot at sakit na naramdaman ni Jillian sa paghihiwalay ng mom niya at stepdad dahil kahit naiyak habang kausap ni Nelson, nakakangiti rin siya. Hindi lang nabanggit ni Jillian kung gugustuhin ba niyang magkabalikan ang dalawa.
Mabuti pala at hindi drama ang bagong series ni Jillian na My Ilonggo Girl na magpi-premiere sa January 13. Rom-com ang genre ng series, magpapasaya ng viewers at magpapakilig sila ni Michael Sager.
Challenge kay Jillian ang dual roles na ginagampanan at ang dialogue na Hiligaynon na kailangang tama ang accent. Sa napapanood na teaser, okay ang acting ni Jillian bilang sina Tata at Venice.
Comments