ni Ambet Nabus @Let's See | August 12, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_b6d9da390b0d4cbc85c0403fdb78feff~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_b6d9da390b0d4cbc85c0403fdb78feff~mv2.jpg)
Masasabi nga nating ipinagmamalaki nina Aljur Abrenica at AJ Raval ang mga posts nila sa social media habang nasa ibang bansa sila under a bonfire at nag-e-enjoy.
May mga nagsasabi kasing nagiging normal na ang ganitong sitwasyon among couples na nakipaghiwalay at hindi pa dumaan sa legal na proceeding.
Sa medyo hinaba-haba ng Aljur-Kylie Padilla at Aljur-AJ issues, mukhang ang huli ang tambalang pumili ng "wa’ keber" sa sasabihin ng iba.
"Stop normalizing situations as if ‘yun talaga ang tama," komento ng ilang netizens sa naturang post.
"Hindi porke't nagsusustento sa anak, eh, ok na," sabat pa ng ilan.
Isa nga 'yan sa mga patunay na sa panahong nasa socmed na ang 'buhay' ng karamihan, mukha ngang nais ng mga parties concerned na i-normalize ang lahat.
Lalayo pa ba tayo, eh, sa simula pa lang, isinali na nila ang lahat. From being BF-GF, nag-propose, na-engaged, nag-prenup, nabuntis, nagpakita ng ultrasound, nanganak, nagpabinyag, hanggang sa naghatid sa school, nag-away, nag-unfollow-han, naghiwalay, nakatagpo ng mga bago, etc. etc., ganyan na yata ang "normal" na buhay ng isang couple, celebrity man o ordinaryong tao.
Pumapasok na lang ang mga batas at legalidad kapag may mga bagay na hindi tinutupad gaya ng sustento at iba pa.
Sa kaso naman yata nina Aljur at Kylie, tila happy sila sa kapwa naging desisyon nila.
Comments