top of page
Search
BULGAR

‘Di nominadong Best Actor at Best Supporting Actress… AGA AT UGE, INISNAB NG MMFF JURORS

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 29, 2024



Photo: Aga Muhlach at Eugene Domingo - Instagram


Nakakatuwang makita na in full attendance uli ang mga malalaking artista natin sa isang awards night at nangyari nga ‘yan sa katatapos lang na 50th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal na ginanap sa Solaire Hotel and Casino sa Parañaque nu’ng Biyernes (Dec. 27).


Sa pangunguna ni dating Pangulong Joseph Estrada na kasamang dumating ang mga anak na sina Sen. Jinggoy Estrada at Jake Ejercito dahil tumanggap ito ng Lifetime Achievement Award, dumating din ang mga artista ng mga pelikulang kalahok sa 50th MMFF.


Of course, all-out support sina Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, Aga Muhlach at Nadine Lustre (ng Uninvited) sa MMFF kaya present sila (at invited sila, in fairness, ‘di UNINVITED, hehe!), Vice Ganda and Eugene Domingo (And The Breadwinner Is…), Piolo Pascual, Sue Ramirez at Cristine Reyes (The Kingdom, minus Bossing Vic Sotto na ‘di nakarating), Judy Ann Santos and Lorna Tolentino, sina Dennis Trillo at Ruru Madrid na bitbit siyempre ang kani-kanilang labidabs na sina Jennylyn Mercado at Bianca Umali, respectively (para sa Green Bones), Sylvia Sanchez, Cong. Arjo Atayde with Maine Mendoza (Topakk), at Seth Fedelin and Francine Diaz (My Future You).


Parang isang barangay naman ang mga theater actors na kasama ni Aicelle Santos para sa movie niyang Isang Himala, habang sina Enrique Gil, Jane de Leon at Alexa Miro ay nandu’n din para sa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.


Hindi namin nakita sina Julia Barretto at Carlo Aquino na mga bida ng Hold Me Close. 


Ang bongga ng awards night this year, talagang ginastusan ang pa-buffet at pati ang trophy na P200K each daw, ha?


Humakot ng awards ang Green Bones, Isang Himala, My Future You at The Kingdom,  habang sobrang disappointed ang mga Vilmanians na Best Float lang ang naiuwi ng Uninvited (ka-tie pa ang Topakk) gayung marami namang positive reviews sa movie mula sa mga nakapanood na.


At ang pinakamalaking tanong that night ay kung bakit hindi napasama sa nominasyon ng Best Actor at Best Supporting Actress sina Aga Muhlach at Eugene Domingo respectively.


Kilalang parehong mahuhusay na aktor at aktres ang dalawa, bakit nalaglag kahit sa nominasyon man lang?


May kinalaman kaya rito ang naging Facebook post that night ng Mentorque producer (for Uninvited) na si Bryan Dy na “Unbelievable”?


Pero nu’ng tsinek uli namin kinabukasan ang naturang post, mukhang deleted naman na ito.


Maging si Vice Ganda ay hindi napigilang mag-comment sa speech niya nang tumanggap siya ng Special Jury Citation Award na deserve rin daw ni Eugene Domingo na ma-nominate man lang sa Best Supporting Actress.


Nu’ng makapanayam namin si Dennis Trillo after niyang manalo bilang Best Actor for Green Bones, tinanong namin siya kung nagulat din ba siya na hindi nominado si Aga.

Aniya, in-expect nga niyang si Aga ang matinding kalaban niya sa Best Actor award kaya nagulat din daw talaga siya na wala ito sa mga nominado.


Tinanong namin si MMDA Chairman Don Artes after ng awarding tungkol dito, pero aniya, ang MMFF jurors ang dapat tanungin tungkol sa kanilang naging desisyon at hindi raw niya alam kung maglalabas pa ba ng statement ang mga ito. Pero alam daw niyang dumaan sa masusing deliberation ang pagpili sa mga winners.


Samantala, naging venue rin ang Gabi ng Parangal para mai-voice out ng mga producers at directors tulad nina Sylvia Sanchez (Topakk), Dennis Trillo (Green Bones), at Direk Pepe Diokno (Isang Himala) ang request  nila sa mga theater owners na dagdagan naman ang mga sinehang paglalabasan ng kani-kanilang pelikula para mas marami pang makapanood.


Siguro naman, pagkatapos ng awards night, mapagbibigyan na ng mga theater owners ang ‘lambing’ nila lalo’t maraming naku-curious na panoorin ang mga pelikulang humakot ng awards sa Gabi ng Parangal.


Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 50th MMFF Gabi ng Parangal.


Best Float: Topakk, Uninvited 

Gender Sensitivity Award: And the Bread Winner Is…

Best Visual Effects: Riot Inc. (The Kingdom)

Best Child Performer: Sienna Stevens (Green Bones

Best Musical Score: Vincent De Jesus (Isang Himala)

Best Sound for the movie: Ditoy Aguila (Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital)

Best Original Theme Song: Ang Himala ay Nasa Puso by Juan Carlos (Isang Himala)

Best Editing: Vanessa Ubas de Leon (My Future You)

Best Cinematography: Neil Daza (Green Bones)

Best Production Design: Nestor Abrogena (The Kingdom)

Best Supporting Actress: Kakki Teodoro (Isang Himala)

Best Supporting Actor: Ruru Madrid (Green Bones)

Breakthrough Performance: Seth Fedelin (My Future You)

Special Jury Citation Award: Vice Ganda

Best Screenplay: Ricky Lee and Anj Atienza (Green Bones

Fernando Poe Jr. Memorial Award: Topakk 

Gatpuno Antonio J. Villegas Award: The Kingdom

Best Actor: Dennis Trillo (Green Bones)

Best Actress: Judy Ann Santos (Espantaho)

Special Jury Award: Topakk, Isang Himala

Best Director: Crisanto Aquino (My Future You), Michael Tuviera (The Kingdom)

4th Best Picture: Isang Himala

3rd Best Picture: My Future You

2nd Best Picture: The Kingdom

Best Picture: Green Bones

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page