ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Nov. 16, 2024
Photo: Ai AI at Gerald - Instagram
“I hope na ‘yung ‘di ko pa naibigay sa ‘yo na hinahanap mong kaligayahan, sana makuha mo. ‘Yung hinihiling mong anak, sana magkaroon ka ng healthy child. I wish you well kasi sa 10 taong pinagsamahan natin, in fairness naman to you, naging good husband ka naman.
“Basta sana, maging masaya ka na lang. I wish you all the happiness na hinahanap mo,” ang message at wish ni Ai Ai Delas Alas sa dati niyang asawa na si Gerald Sibayan.
How touching and how pure naman ang heart ng isang Ai Ai delas Alas.
Imagine, kung sa ibang babae ‘yun, baka isinumpa na si Gerald lalo't ang feeling nga ng ilang netizens ay ginamit lang nito si Ai Ai para makarating sa US at makapag-aral ng pagpi-piloto.
Pero tama ‘yan, kesa magtanim pa ng sama ng loob, move on na lang. Mahirap na nga namang ipilit pa ang sarili sa isang taong ‘di na masaya sa piling mo kahit it really hurts, ha?
Well, ang masasabi na lang namin kay Ai Ai, accept things and people as they are at enjoy life to the fullest, boom, ganern!
Sa Teleradyo Serbisyo-Radyo 630 thanksgiving media conference with anchors Tita Winnie Cordero at T’yang Amy Perez ay hindi mapigilang mapaiyak ng una sa awa sa mga pasyenteng lumalapit sa kanyang public service program na Tatak Serbisyo na umeere simula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 AM.
‘Di kasi maiwasan ni Tita Winnie na maapektuhan lalo sa kaso ng mga batang maysakit na hirap na hirap makahingi ng tulong sa gobyerno kahit dumadaan na nga sa kanilang programa.
Reklamo ni Tita Winnie, minsan ay super-tagal bago tugunan ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang inilalapit na tulong para sa mga bata, na may ilan nga raw ang namamatay na lang.
Kaya nanawagan na rin si Winnie na sana raw ay mas mapabilis naman ang serbisyo ng mga government agencies para sa mga maysakit.
Dalawa ang programa ni Tita Winnie sa Radyo 630 TeleRadyo Serbisyo. Bukod sa Tatak Serbisyo, may Win Today pa tuwing Sabado, 10:00 AM.
Si T’yang Amy naman ay isang public service show ukol sa mental health, ang Ako ‘To Si T’yang Amy tuwing Lunes, Martes, at Huwebes, 3:00 PM. Kasama rin si T’yang Amy sa ABS-CBN’s noontime program, ang It’s Showtime (IS).
Well, happy kami of course na muling nakabalik sina T’yang Amy Perez at Tita Winnie Cordero as hosts ng Radyo 630-Teleradyo Serbisyo, kung saan marami silang natutulungang mga kababayan natin lalo na ‘yung mga may sakit na walang pambayad sa mga hospitals at pambili ng mga gamot, boom, ‘yun na!
TULUY-TULOY ang BINI fever sa iWantTFC ngayong Nobyembre.
May free streaming ng BINI Docu Chapter 2 at bagong pay-per-view package na para sa inaabangang Grand BINIverse concert.
Matapos ang tagumpay ng unang dokyu nitong Born to Win, mas makikilala pa ng lahat sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa ikalawang chapter nito na Here With You.
Bukod sa exclusive footage nito sa kanilang BINIverse provincial tour, mas bibigyang-diin dito ang pasasalamat at pagmamahal sa kanilang mga fans sa kabila ng mga pagsubok na sabay-sabay nilang hinaharap.
Sa mga excited na mapanood ang Grand BINIverse concert nang live ngayong November 16-18, may bagong pay-per-view package ang iWantTFC.
Comentarios