ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 10, 2024
Photo: Vic Sotto
Sey ni Vic Sotto sa role niya sa MMFF entry na The Kingdom (TK), “This is not comedy. I have never done anything like this before. Actually, we have never even heard this kind of storyline before, but we’ll save that for another time.”
Kakaibang Bossing Vic nga ang mapapanood dahil for one, si Piolo Pascual ang kasama niya rito. Sa nakita naming behind-the-scenes photo, may tattoo si Vic sa ibabaw ng kaliwang kamay niya. May kalakihan ang tattoo at nakapostura siya sa photo, seryoso at malayo sa masayang Vic.
Nag-training din si Vic kung paano makipaglaban gamit ang kutsilyo at may iba pa siguro siyang pinagdaanang training bago simulan ni Direk Mike Tuviera ang shooting ng pelikula, may nagbiro kay Vic na action star na raw siya.
Kung si Vic mukhang lider ng crime group, si Piolo naman ay ginawa siyang magsasaka at nag-aararo sa bukid. Nag-training naman siya ng arnis para sa gagawing action stunts.
Ang TK ay collab ng MQuest Ventures, M-ZET Productions, at APT Entertainment. Family drama raw ang pelikula na ginastusan pa sa MMFF 2024.
Speaking of Vic, walang makapagkumbinse sa kanyang pasukin ang pulitika at ipinubaya nito sa kapatid na si Tito Sotto at anak na si Vico Sotto. Naniniwala siyang hindi na kailangan ang pulitika para makatulong, nakakatulong daw siya by producing movies and TV shows na totoo naman. Pati sa Eat… Bulaga! tumutulong din sila ng kanyang mga kasama.
Kakaiba ang promo ni Marian Rivera para sa simula ng nationwide screening ng Cinemalaya movie niyang Balota sa October 16, 2024. May “Teacher Emmy” (role niya sa movie) challenge siya sa TikTok at siguradong may kakasa sa sinimulan niyang challenge sa 9 million followers niya sa Tiktok.
Due to popular demand ng moviegoers na maipalabas sa mas maraming cinemas na mas malapit sa kanila, kaya nag-decide ang Cinemalaya at GMA Pictures na muling ipalabas ang Balota. Napapanahon ang pelikula dahil katatapos lang ng filing ng COC ng mga tatakbo para sa 2025 midterm elections. Right timing din ang nationwide showing ng Balota dahil katatapos lang i-celebrate ang World Teacher Day at ang Gabay Guro 2024 na taun-taon nagbibigay tribute sa mga guro.
Sobrang memorable kay Marian ang nabanggit na pelikula dahil at 40 years old, nanalo siya ng acting awards at sa Cinemalaya pa. Malaki ang pasasalamat nito sa pelikula at kay Direk Kip Oebanda na naging instrument para siya ay tanghaling best actress.
Samantala, hindi naman siguro mga fans ni Marian ang nag-call out kay Nadine Samonte na gaya-gaya siya kay Marian dahil nagko-collect din siya ng Pop Mart dolls. Tanong ni Nadine, bawal ba na magkapareho sila ng ikinu-collect ni Marian?
Kung si Marian masaya na pareho sila ng collection ni Nadine, bakit ang mga netizens, bina-bash si Nadine? Ang dami ng may ganitong collection, bakit kailangang mambash ng mga netizens?
Si Marian nga, enjoy tuwing nag-a-unboxing siya ng bagong collection, dapat maging masaya na lang ang lahat. Sabi naman ni Nadine, magpo-post na rin siya ng kanyang collection para lalong mainis ang mga bashers.
SOBRANG successful ang ginanap na first and biggest Gabay Guro Health and Wellness Festival For Teachers noong October 6, 2024 sa Yñares Sports Complex sa Pasig City.
Katuwang ng Gabay Guro ang mWell sa kakaibang event for teachers na nag-focus sa wellness and health ng mga guro.
Sina Ms. Chaye Cabal-Revilla at Mr. Gary Dujali ng Gabay Guro ang nag-organize ng event, katulong ang iba’t ibang kompanya. Nag-enjoy ang lahat sa Zumba session, naki-sing along sila sa guest performers na sina Kevin Montellano, nakisayaw kay Teacher Georcelle and the G-Force.
May free medical and dental check up pa at pati facial care, meron din sa venue pati masahe at may free medicines and vitamins. Libre rin ang mga snacks, ang daming libre, kaya masaya ang araw na ‘yun.
Of course, marami ang nanalo ng big prizes sa raffle at nadinig namin, may TV, cash at marami pang iba. Mas sumaya pa ang event sa husay ng host na si Michael Ver at co-host na si Nicole Cordoves. Siguradong mauulit next year ang Gabay Guro Health and Wellness Festival for Teachers.
Comments