top of page
Search

'Di naman daw martir, pero… LANI, UMAMIN KUNG BAKIT 'DI MAGAWANG IWAN SI BONG

BULGAR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 25, 2022



Sa birthday get-together with the press ni Sen. Bong Revilla Jr., nagsalita na si Congresswoman Lani Mercado kung bakit hindi niya magawang iwanan ang kanyang "Alyas Poging" mister sa kabila ng mga problema at pagsubok na kanilang pinagdaanan bilang mag-asawa.


Hindi naman masasabing martir na asawa si Congw. Lani. Alam niya ang kanyang karapatan bilang asawa. At nagawa niyang maging ideal wife and mother at maayos na naitaguyod ang pagpapalaki sa mga anak nila ni Sen. Bong.


Aminado siya na hindi perfect ang pagsasama nilang mag-asawa, pero hindi niya makakalimutan ang advise ng yumao niyang ama tungkol sa married life.


Natatandaan ni Congw. Lani ang sinabi ng kanyang ama na kung sakaling magdedesisyon siyang iwanan si Sen. Bong, siguraduhin lang niya na hindi na siya babalik pa rito.


Well, sa panahon ng kanilang married life, may “cool down” period daw kapag sila ay may hindi mapagkasunduan. Umaalis si Congw. Lani at nagpapalamig muna sa malayong lugar.


Through the years ay natutunan na ni Congw. Lani na balansehin ang pagdadala ng kanyang pamilya. At ipinagpapasalamat niya na ngayon ay mga successful na ang kanyang mga anak.


Pareho nang congressman ngayon sina Bryan at Jolo Revilla. Ang bunso namang si Ram ay nahalal din na board member ng Cavite at posibleng mahalal na pangulo sa samahan ng mga board members ng bansa.


Kung tutuusin ay super blessed si Congw. Lani Mercado. Aktibo rin siyang public servant.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page