ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 25, 2023
Aminado si Kathryn Bernardo na may takot siyang nararamdaman sa magiging feedback ng kanyang mga fans at magiging resulta sa sinehan kapag naipalabas na ang first movie na pagsasamahan nila ng international award-winning Filipino theater actress na si Ms. Dolly De Leon o Ms. D kung tawagin niya.
Sa ginanap na mediacon ng A Very Good Girl last Wednesday night na sinimulan sa pamamagitan ng fashion show na pinangunahan nina Kathryn, Ms. Dolly, Direk Peterson Vargas at bumubuo ng cast na sina Chie Filomeno, Kaori Oinuma, Jake Ejercito at Gillian Vicencio, nagpakatotoo si Kathryn na risk para sa kanya ang pagtanggap sa naturang movie ng Star Cinema, lalo't dark ang character niya rito at ibang-iba sa mga ginawa niya in the past na rom-com o love story movies.
Walang ka-love team na Daniel Padilla o Alden Richards sa movie na ito si Kathryn at kumbaga, ang level-up acting skills lang talaga ng tinaguriang Asia’s Box Office Superstar ang ibebenta sa A Very Good Girl.
Malaking challenge kasi para kay Kathryn ang makatrabaho ang BAFTA and Golden Globe nominee na si Dolly de Leon, kaya nang sinabi sa kanya na ito ang makakasama niya sa movie na inamin niyang hiningi niya talaga sa Star Cinema na maging kakaiba, super excited siya at go na agad kahit sa una'y nangangapa pa sila sa isa't isa.
Katwiran din ni Kathryn, at her age na 27, ito na ang right time para mag-level-up naman ang kanyang pagka-aktres, lalo't si DJ (Daniel) ay may gagawin din namang movie na iba rin ang kasama.
Ramdam namin ang excitement ni Kathryn sa pagkukuwento ng mga ginawa niya sa movie na ito kung saan revengeful ang character niya, although ayaw naman niyang maging giveaway masyado ang story at abangan na lang daw ang mga bonggang eksena nila ni Ms. Dolly De Leon.
Anyway, dahil first time ngang gumanap ni Kathryn ng dark character, natanong namin ito kung in real life, dahil nakilala siya bilang wholesome ang image at role model ng mga kabataan, ay dumating din ba siya sa point ng buhay niya na na-bored siya at nag-try gumawa ng mga bagay na taliwas sa imahe niya bilang artista?
Bumilib kami sa honesty ni Kathryn dahil sabi nga niya, aware naman siya na growing up, maraming nakatingin sa kanya lalo na ang mga bata, but it doesn’t mean na hindi siya nagkakamali.
Aniya, "'Di porke't artista, perfect na. 'Di porket's sinabi n'yong role model, wala kaming imperfections and we can't commit mistakes and we can't learn from our mistakes."
Ang lagi nga rin daw niyang sinasabi sa mga fans niya, "'Wag n'yo kong i-idolize dahil perfect ako, dahil 'di talaga, pramis!"
At kaya 'di umabot si Kathryn sa puntong nagrebelde siya tulad ng karakter niya rito sa A Very Good Girl ay dahil, "'Yan 'yung reason kung bakit meron akong small circle of friends and my family because at the end of the day, ipinapa-enjoy nila sa akin 'yung life in general, na yes I'm required but I need to enjoy my life too.
"So pinapayagan akong umalis, pinapayagan akong magtrabaho, trabaho, but then okay, eto ang gagawin ko after para may maibigay pa ako, 'di ako maubos. So, 'yun 'yung naging routine ko parati para ayoko na nape-pressure ako to be good just because I have to be good.
"I want to be good kasi heto, heto 'yung pagkatao ko and being good doesn't mean you know, 'di na ako magsasalita kung ano 'yung sinasabi ng lahat ng tao sa akin.
"So kung matanggap ka ng tao bilang ganu'n, thank you. Kung hindi, okay lang. Ayaw kitang pilitin," katwiran pa ni Kathryn.
Kaya naman, maging ang isyu ng pagbe-vape niya ay diretsahan ding sinagot at nilinaw ni Kathryn.
May mga nag-iisip kasing baka part lang ng promo ng A Very Good Girl ang kumalat na photos at videos ng pagbe-vape ng GF ni Daniel Padilla dahil nga sa role niya sa movie.
Ani Kathryn, "Sad ako na may video about it kasi parang inano na 'yung privacy ko. But then it happens, so okay lang kung nangyari 'yun and kung ginagawa ko 'yun or 'di ko ginagawa, ginagawa ko lang ba 'yun sa movie, 'di naman ide-define 'yung pagkatao ko and it won't make me less of a person.
"So I guess depende na lang 'yun sa mga tao. But abangan n'yo na lang din 'yung movie and I hope it won't happen again kasi kailangan din namin sometimes 'yung privacy and personal space namin," pakiusap ng aktres sa mga kumuha at nagkalat ng vaping incident niya.
Anyway, sa Sept. 27 na ang showing ng A Very Good Girl at sana raw ay suportahan at matanggap ng mga fans ang bagong movie ni Kathryn with Ms. Dolly De Leon dahil sabi nga niya, kakaibang Kathryn ang mapapanood dito, so 'wag palagpasin.
Kasama rin sa cast ng movie pero 'di nakadalo sa presscon sina Ana Abad Santos, Nour Hooshmand, Donna Cariaga, Althea Ruedas, Nathania Guerrero at Ms. Angel Aquino.
Comments