AT MAKAHAWA
Julie Bonifacio - @Winner | April 10, 2021
Nagbigay ng mahalagang impormasyon ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang Twitter account ukol sa pagtuturok ng COVID vaccines sa mga Pinoy.
May mga sitsit kasi at kumukuwestiyon sa effectiveness ng mga vaccines na ginagamit ng pamahalaan sa ating mga kababayan.
At the same time, may mga negatibong balita na ring kumalat tungkol sa mga insidente pagkatapos mabakunahan.
Bukod sa mahalagang impormasyon na ipinost ni Vice sa kanyang Twitter account, nagbigay din siya ng paalala sa publiko.
"IMPORTANT FACT. Kahit nabakunahan ka na ay posible ka pa ring magka-COVID-19 at makahawa. Ang tanging magagawa lang nito ay 'di ka magkaroon ng malalang komplikasyon. KAYA 'WAG MAGPAKAKAMPANTE. You still need to wear your mask, mag-social distancing at maghugas ng kamay," tweet ni Vice.
Sinang-ayunan ng mga netizens ang tweet ni Vice.
"True! I have a friend with complete vaccine from Pfizer nu'ng January. Galing abroad, umuwi siya ng 'Pinas nitong March. Positive siya ngayon, kakakuha lang ng swab result kanina kasi babalik na dapat sa abroad bukas. Ihahatid ko dapat sa airport."
"Agree! Got my first dose dito sa California and still wearing my mask, social distancing & constantly washing my hands! I'm praying for you, Philippines! Be safe! God bless!"
May nag-comment din sa tweet ni Vice na mabuti at nag-post siya ng ganyang mensahe.
"Good you shared this. Feeling ko nga, kaya tumaas ang COVID cases, simula nu'ng dumating ang vaccines kasi akala ng mga tao, eh, immune ka na, but noooo."
Nakakabilib din talaga ang local artist na aktibo sa paglalabas ng kanilang mga saloobin sa mga nangyayari sa ating bansa using their different social media platforms.
Very relevant pa rin sila kahit na isa sa pinaka-affected sa pandemya at paulit-ulit na pagdedeklara ng lockdown sa bansa ang entertainment industry.
Comentarios