ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 26, 2024
Usap-usapan ngayon sa social media ang torrid kiss ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa girlfriend na si Yassi Pressman sa harap ng libu-libong tao sa bayan ni Gob. sa naganap na Kaogma Festival nu’ng Huwebes nang gabi (May 23).
Highlight ng gabi ang duet nina Governor Luigi at Yassi sa saliw ng kantang Hero na pinasikat ng singer na si Julio Iglesias. Pagkatapos ng kanilang duet, hindi na mapigilan ni Gov. Luigi ang kanyang public display of affection (PDA) sa maganda at seksing aktres na si Yassi at dito niya ni-lips-to-lips ang GF.
Kitang-kita sa video post ng isang Facebook user na si Jam Lustre ang tukaan ng dalawa. Humirit pa ng "more, more" ang crowd kaya't inulit-ulit nila ang halikan.
Habang nasa entablado ang gobernador at nagtatalumpati tungkol sa weeklong Kaogma festival ng kanilang lalawigan, kanyang idineklara ang pagmamahal niya kay Yassi.
Muling kinilig ang mga constituents ni Gov. Luigi dahil kasama sa kanyang talumpati ang pagkilala kay Yassi bilang importanteng bahagi ng kanyang buhay.
"Siyempre, mga taga-Camarines Sur, I want to thank the most special person in the life of your governor.
"Mahal, Yassi, thank you for all what you’ve done to me. Thank you for helping making this possible.
"I want to say in front of the hundred thousand Camarinenses now, I love you, Yassi."
Ex-GF, maling akala raw na kaya ‘di natuloy ang kasal nila… SIGAW NI ANJO: WALA NA KAMI NI SHERYL NU’NG NAKABUNTIS AKO NG IBA
Nagsalita na si Anjo Yllana kaugnay ng panayam kay Sheryl Cruz ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes (Mayo 23).
Sa panayam ni Boy kay Sheryl, sinabi ng actress na dati'y nagkaroon sila ng relasyon ni Anjo. Inalok siya nito ng kasal na tinanggap naman niya. Pero hindi umano natuloy ang dapat sana'y kasal dahil nakabuntis ng ibang babae ang aktor.
Sa panayam ni Anjo sa PEP.ph, nais daw niyang ibahagi ang kanyang panig sa isiniwalat ni Sheryl sa national television tungkol sa totoong nangyari. Ikinagulat daw ni Anjo ang maling akala ni Sheryl kaya't nais niyang itama ang kuwento.
Inamin nitong inalok niya ng kasal noon si Sheryl, pero itinanggi niyang nakabuntis siya ng ibang babae kaya naghiwalay sila.
Pahayag ni Anjo sa PEP.ph, “Wala na kami noong nakipag-cool-off ako sa kanya, pero hindi ko alam kung nagpunta siya sa Amerika.
"Basta ang alam ko, nu’ng meron akong bagong girlfriend, wala na kami ni Sheryl.
“Hindi ko alam kung nagpunta siya sa States dahil masama ang loob niya dahil nga may girlfriend na ako.
“Ang problema ko noon, nabuntis ko ang girlfriend ko, pero break na kami ni Sheryl.
"Siguro, akala niya, nu’ng nag-cool-off kami, dahil nakabuntis ako.
"Siyempre, nakabuntis ako, pananagutan ko. At baka masakit sa kanya [Sheryl] ‘yun," paglilinaw ni Anjo.
Sa pagpunta ni Sheryl sa US, dito niya nakilala ang tatay ng kanyang anak na si Norman Bustos.
But sad to say, hindi rin sila ang nagkatuluyan, at ngayon, balitang may bago nang boyfriend si Sheryl.
Commenti