top of page
Search
BULGAR

‘Di nakapagpigil nang mag-two-piece ang aktres… ECHO, HOT NA HOT KAY JANINE

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 8, 2024



Showbiz News

Ang daming naaliw at kinilig sa komento ni Jericho Rosales sa Instagram (IG) post ng rumored girlfriend na si Janine Gutierrez.


Nag-post si Janine ng mga larawan niya in a two-piece bikini habang nasa poolside ng hotel na tinutuluyan sa Venice, Italy.


Caption ng aktres, “Euro summer break!”


Super-sexy naman talaga ni Janine sa mga larawan kaya naman nagkagulo ang mga supporters niya sa comment section.


Pati ang mga kapwa celebrities ay nag-comment at isa sa mga nasa top comments si Echo.


Nag-react ang aktor ng GIF (isang animated graphic emoji) na nagpapakita ng isang lalaki na nasisilaw sa init ng araw, na tila ang ibig sabihin ay napaka-hot ni Janine.


Dinagdagan pa niya ito ng comment na, “Dapat weather report ang ginawa ko kanina sa @tvpatrolph.”


Super-laugh ang netizens sa komento ni Echo but at the same time ay kilig na kilig sila.

Komento ng isa, “@jerichorosalesofficial Jericho’s comment (laughing emoji) nakakasilaw ba ang kagandahan n’ya (fire emoji).”


“Ahhhh, kilig (in love emoji) ,” sey naman ng isa pa.


Nasa Italy si Janine Gutierrez dahil dumalo siya sa Venice International Film Festival (VIFF) para sa kanyang Lav Diaz film na Phantosmia.


 

DISMAYADO raw si Paolo Contis sa X rating na ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kanyang pinagbibidahang pelikula na Dear Satan (DS).


Ayon sa Instagram post ng manager ni Paolo na si Lolit Solis, hindi inakala ng aktor na magiging kontrobersiyal pa ang pelikula.


“Talagang maganda ang mood ni Paolo Contis kahit pa nga disappointed s’ya sa resulta ng naging reception ng MTRCB sa Dear Santa niya na dating Dear Satan.


“Hindi n’ya akalain na ang feeling n’ya na nakagawa s’ya ng isang magandang film ay magiging controversial. Akala pa naman niya, magiging smooth-sailing dahil nga sa concept nito na isang mabait na Satan ang kanyang papel,” saad ng talent manager.


Nanghihinayang si ‘Nay Lolit sa husay ni Paolo bilang aktor at sana raw ay mabigyan ito ng drama series sa GMA-7.


“Isang napakahusay na actor ni Paolo Contis, kaya sayang nga na hindi nabibigyan ng mga roles sa mga series na may drama. Very happy si Paolo sa Bubble Gang (BG), pero sana rin, mabigyan siya ng mga dramatic roles para maipakita niya ang varied talent n’ya,” sey ni ‘Nay Lolit.


Pinuri rin niya ang attitude ni Paolo na tahimik lang at very patient.


“Sayang naman pero sa isang talent na tulad ni Paolo Contis na very confident sa alam n’yang puwede n’yang gawin, no problem. Hindi maapektuhan ang kanyang confidence sa mga minor lapses ng iba. Basta para sa kanya, alam n’ya ang what he can offer, no problem. 


“Hanga nga ako sa pagiging very patient and quiet ni Paolo Contis sa mga nagaganap sa kanyang career. ‘Yun bang ok lang, bahala kayo. So far, basta happy s’ya, ok lang. Kaya nga fave s’ya ni Salve at Gorgy, smile-smile lang siya, bongga,” papuri ni ‘Nay Lolit Solis kay Paolo.




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page