top of page
Search
  • BULGAR

‘Di naiinggit kina Ria at Zanjoe na magkaka-baby na… ARJO: INE-ENJOY LANG NAMIN NI MAINE ANG ISA'T ISA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 14, 2024



Showbiz News

Nakakabilib ang multi-tasking talent ni Quezon City 1st District Congressman Arjo Atayde dahil sa kabila ng pagiging public servant nito, nagagawa pa rin niyang isabay ang kanyang showbiz career at nakakagawa pa rin ng mga pelikula at TV series.


Tulad ng dalawang upcoming films niya na Topakk with Julia Montes and Enchong Dee, at Moonglow na isang crime-thriller film with US-based Filipino filmmaker na si Isabel Sandoval.


Bukod pa riyan ang kanyang ABS-CBN drama series na The Bagman kung saan makakasama niya sina Judy Ann Santos at John Arcilla. 


Sa thanksgiving presscon kahapon ni Arjo para sa kanyang pagkapanalong Best Actor sa Content Asia Awards para sa Cattleya Killer, napanood namin ang trailer ng upcoming projects ng aktor at du'n pa lang, masasabi mo na talagang walang kaduda-duda na may ‘K’ talagang kilalanin internationally ang kanyang galing sa pag-arte.

Iba ang lalim ng pag-arte ni Arjo at sa mga galaw pa lang ng kanyang mga mata, panalo na!


Good thing lang talaga na kahit nasa public service na siya, nabibigyan pa rin ng time ni Arjo ang gumawa ng magagandang projects dahil sayang naman ang talent niya kung iiwan na niya ang showbiz.


Natanong nga namin si Arjo sa kanyang thanksgiving-cum early Christmas Party for the press kung may plano rin ba siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon tulad ng pagka-senador gayung first time congressman pa lang siya.


Mukha naman kasing ine-enjoy ni Arjo ang buhay-pulitika kahit pa aminado naman siyang napakaraming challenges at adjustments ang ginawa niya, hindi lang sa paggawa ng mga batas para sa kanyang mga nasasakupan sa 1st District ng QC kundi pati pag-abot sa kanyang mga constituents upang malaman ang mga pangangailangan ng mga ito at mabigyan ng tulong.


Diretsong sagot ni Cong. Arjo, hindi siya ambitious type na tao at nabubuhay siya na kung ano'ng dumating ay hinaharap niya ang mga challenges sa buhay.


Bagama't hindi naman siya nagsasara ng pinto sa posibilidad na tumakbo sa pagka-senador at hindi siya nagsasalita nang tapos, sa ngayon ay mas gusto raw niyang harapin ang kanyang responsibilidad bilang kongresista at mas matuto pa sa larangang ito.


Sabagay, bata pa naman si Cong. Arjo at marami pa siyang puwedeng magawa para sa kanyang mga constituents sa 1st District kaya puwede ring tapusin muna niya ang tatlong termino para kung sakaling sumabak siya sa Senado ay handang-handa na siya.

Samantala, ang isa pang nakakabilib kay Arjo, gaanuman siya ka-busy dahil may mga negosyo pa siyang inaasikaso, hindi naman daw siya nawawalan ng time sa misis na si Maine Mendoza.


At nang matanong nga kung kelan nila balak magka-baby since naunahan na sila ng sister niyang si Ria Atayde at ng mister nitong si Zanjoe Marudo, “secret” lang ang sagot ng magaling na aktor dahil personal na raw nilang buhay ni Maine ‘yun.


Basta ang mahalaga, happy daw sila at ine-enjoy lang muna ang isa't isa at ayaw magpa-pressure sa mga nangungulit nang makita ang kanilang first baby.


Ang dami pang isyu na sinagot ni Cong. Arjo Atayde sa interview namin sa kanya kaya watch n'yo na lang ‘yan sa aming YouTube Channel na eBulgar at maging sa Tiktok account ng Bulgar.


So, mga Ka-Bulgar, follow and subscribe na for more latest chika. 

Paaaak!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page