top of page
Search
BULGAR

‘Di naibigay nu'ng buhay pa… SAM, ISASAMA SA IBEBENTA ANG DREAM CAR NG AMA

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 2, 2024



Showbiz News

May istorya ang bawat luxury car na ipinapa-auction ni Sam Verzosa via his “SV Driven to Heal” charity event. Lahat ng 10 cars, espesyal sa kanya. Mas malalim nga lang ang koneksiyon niya sa Bentley Bentayga SUV dahil binili niya ang car para sa kanyang ama.

Naging emosyonal si Sam nang tanungin ng auction host na si David Celdran sa story ng Bentley Bentayga.


“Well, the story of this car, papa ko ang may gusto nito. When we went to London, nakita n’ya, ang sabi n’ya, ‘Nak, bili tayo nu’n.’ Sayang lang, ‘di n’ya inabutan kasi noong binili namin ‘to, nagkasakit s’ya, tapos nawala,” kuwento ni Sam.


Dahil sa sentimental value ng car, nahirapan si Sam na gamitin ito. 


Ngayong isasama niya sa auction, alam niyang mag-a-agree ang tatay niya at matutuwa sa kanyang ginawa.


Naikuwento rin ni Sam kay David na ang tatay niya ang nagturo sa kanya na magbigay sa mga lumalapit na humihingi ng tulong. Kahit daw last money na nila, itinutulong pa rin nito.


Dagdag pa ni Sam, sobrang significant ang pagdo-donate niya ng collection niya ng luxury cars para sa construction ng dialysis and diagnostic clinic sa Sampaloc dahil nag-dialysis din ang tatay niya.


Aniya, “Nag-dialysis din s’ya before he died. So, I think gusto n’yang mapupunta ito sa mga dialysis patients. Sa tingin ko, magiging proud s’ya sa itaas. Matutuwa talaga s’ya.”


Ipina-bless ni Sam ang luxury cars na ipapa-auction niya at para may remembrance siya sa kanyang luxury cars, nagpakuha muna siya ng photos sa tabi ng mga ito. 


Nakangiti si Sam, ibig sabihin, masaya siya na marami ang matutulungan sa 10 luxury cars at aabot nga sa P200 million kapag na-auction na.


 

KABILANG si Julie Anne San Jose sa mga performers sa launching ng ‘Pinoy Drop Ball’ ng Bingo Plus. Mas pinasaya nito ang mga nasa launching with her three numbers kasama ang opening song niyang Dancing Queen (DQ). Bumaba ng stage si Julie at nakita naming may nakipagsayaw sa kanya at ‘yung iba naman, naki-sing-along sa kanya.


Nagpasalamat si Julie sa Bingo Plus sa pag-imbita sa kanya na nataon pang launch ng bagong game na Bingo Plus Drop Ball. Ipinasubok sa mga press, vloggers at influencers ang game at nag-enjoy lahat, lalo na ang mga nanalo.


Ang ‘Pinoy Drop Ball’ ang latest digital carnival offering at homegrown creation at mapapa-throwback ang mga maglalaro sa perya experience nila. Hindi lang mapapasigaw ang maglalaro (manalo man o matalo) at mas lamang ang tuwa kapag nanalo at hawak mo na ang napanalunan. 


Kami nga, tuwang-tuwa sa Bingo Plus tumbler na aming napanalunan.

Noong September 29 ang official launching ng Bingo Plus Drop Ball sa Grand Hyatt Manila at kabilang na siya sa mga nauna at popular digital games gaya ng Bingo, Tongits, at Perya Games.


Ang Pinoy Drop Ball ang first-ever live streamed drop ball game sa bansa. Hindi lang daw ito basta game, “Pinoy Drop Ball reflects DigiPlus’ deep understanding of what Filipino players want-authentic, and culturally resonant entertainment that fuses tradition with technology.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page