ni Cedrick Rogelio Lasala - OJT @Gulat Ka No?! | July 18, 2024
Kaya n’yo rin bang i-rotate ang inyong mga paa ng 210 degrees? Tiyak na marami sa inyo ang mapapailing, at mahihirapang gawin ito, pero wala kayo sa lalaking nagmula sa Brazil, dahil binasic lang naman niya ito!
Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi si Renato Bayma Gaia, at siya lang naman ang nakakamit ng titulong Largest Foot Rotation ng Guinness World Record.
Ayon pa kay Renato, 30 years na niya itong ginagawa, at hindi na umano ito bago para sa kanya. Gayunman, masaya pa rin si Renato na ibahagi sa mundo ang kanyang pambihirang talento.
Pero bago maging title holder si Renato, may tatlo ng indibidwal ang nakagawa nito, subalit, natalo lamang sila ni Renato. Winner ‘di ba?
Ibinahagi rin ni Renato na ginawa niya ito upang bigyang pagkilala ang kanyang paboritong soccer team na SE Palmeiras at ang kaniyang paboritong US sports team na Philadelphia Eagles, Charlotte Hornets, Chicago Cubs, at Pittsburgh Penguins.
Pero ‘wag kayo, dahil alam n’yo ba mga Ka-Bulgar na hindi lang ito ang kaya niyang ipamalas? Dahil may tatlo pa siyang titulong hawak ngayon na galing at napanalunan niya rin sa Guinness World Record. Gusto n’yo na rin bang malaman kung anu-ano ito? Una, ang pagpapalapat ng kanyang dila sa kanyang ilong sa loob ng isang minuto.
Pangalawa, ang pinakamabilis na pagtangal ng Jenga Blocks gamit lamang ang kanyang dila sa loob ng 7.38 seconds. At ang isa pang World Record na nakamit ni Renato ay ang pag-set up at pagbabalanse ng sampung libro sa loob lamang ng 6.94 seconds.
Kamangha-mangha ang husay at galing na ipamalas ni Renato. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang makapagkamit din ng ganitong parangal ang iba pang nagnanais na maipamalas kanilang talento at tingalain ng buong mundo.
Comments