top of page
Search
BULGAR

'Di na raw nakakatulog, Ice… CHAIR LIZA, MUGTUNG-MUGTO ANG MATA NANG HUMARAP SA PRESSCON

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 01, 2021




Mugtung-mugto ang mga mata ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño sa send-off presscon for the Philippine delegates to the 74th Locarno Film Festival last Thursday.


Gusto sana naming tanungin si Chair Liza sa "namamaga" niyang mga mata after ng presscon via Zoom, pero nag-leave agad siya. Kinda worried lang kami for Chair Liza na baka she's not well. Or baka nagkatampuhan sila ng partner niyang singer na si Ice Seguerra.


Mabuti na lang at naitanong namin kay Dave Fabros na nagsilbing host ng send-off presscon and he's quick to explain na sa sobrang dami ng ginagawa ni Chair Liza, kulang na kulang siya sa tulog.


True, at naniniwala naman kami kay Sir Dave. Grabe kasing magtrabaho si Chair Liza as FDCP head at sobra ang concern niya sa film industry especially sa mga workers nito.


Ito na nga lang sa pagpapadala ng ating delegates sa Locarno Filmfest this year, mula sa financial assistance hanggang sa visa nila ay nakatutok si Chair Liza. Hanggang sa pagpunta sa Swtizerland, kung saan gaganapin ang Locarno Filmfest ay dyo-join din si Chair Liza to make sure na okey ang pag-stay ng Philippine delegates doon, hanggang sa mga emergency, gaya ng mga nawawalan ng pera habang nasa event.


"Ang International Film Festival Assistance (IFFA) ang pinagkukunan ng pondo ng FDCP for our delegates. Ang IFFA ang nagpapa-fly sa filmmakers na sumasali sa international competitions. So, they do get travel grants worth 70 thousand, in Euro," lahad ni Chair Liza.


Ang may pinakamalaki o pinakamaraming delegates sa grupo ng mga pelikulang makikipag-compete sa Locarno ay ang movie na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Charo Santos, ang Kun Maupay Man It Panahon.


Kung 'di magkakaaberya sa visa, aabot sa 13 ang a-attend sa Locarno Filmfest minus Daniel and Charo. Nasa bubble taping na raw kasi si Daniel for a new TV series.


Pero join naman ang direktor ng movie na si Carlo Francisco Manatad na manggagaling pa sa Indonesia for a production work for a different film. Worried ang team Maupay kay Direk Carlo na baka 'di umabot sa Locarno dahil napakataas ng COVID variant cases sa Indonesia at baka ma-lockdown ito roon.


Bukod sa Kun Maupay, pupunta rin sa Locarno ang Open Doors participants, ang team ng pelikulang Aswang, San, RA 8491 or How We Recall Memories of Transit.


Go rin sa event ang Match Me program participants para sa proyektong Goliath and Inherit. And lastly, ang direktor ng Filipiñana na participant naman para sa Locarno Filmmakers Academy.


When asked kung may incentives din bang matatanggap ang mga mananalo sa Locarno Filmfest, sey ni Chair Liza, 'pag sinend daw sila sa A-List festival, binibigyan ang mga participants ng special award sa Ambassador's Night ng FDCP.


Dagdag pa ni Chair Liza, "We actually supported Kung Maupay Man It Panahon with a total of P6 million na ba? Hahaha! Magkano na ba? Around P2.5 to P6 million?"


At si Chair Liza rin ang takbuhan ng Philippine delegates sa ganyang international film festival kapag may nawalan ng cash during the event.


Tatao rin si Chair Liza for three days sa booth ng Pilipinas sa Locarno for various meetings like sa mga gustong mag-shooting sa Pilipinas and possible co-producers.


Sabi nga ng singer na si Rhianna, 'werk, werk, werk' pa rin si Chair Liza sa Switzerland. Hindi natin knows kung kasama ni Chair Liza si Ice sa Locarno kasi 'di na nasagot ang kuwestiyon namin tungkol dito.


Sa dami ng na-accomplish ni Chair Liza during her term as FDCP head, we wonder kung na-consider kaya ng administration na isama siya sa listahan nila ng mga tatakbo sa darating na 2022 national elections.


Or baka naman may plano sila na gawin nang Cabinet secretary si Chair Liza kapag may nag-step down sa mga secretaries ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo sa susunod na halalan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page