'Di na raw kinaya… PRESSURE SA PAMILYA AT PULITIKA, DAHILAN KAYA NAG-RESIGN SI DIREK PAUL
- BULGAR
- Nov 13, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | November 13, 2023

"Family pressure and politics" ang sinasabing mga dahilan kung bakit umano nag-resign si Direk Paul Soriano sa ibinigay na posisyon sa kanya ng gobyerno.
Naapektuhan na raw ang relasyon ng mga kapamilya ni Direk Paul na hindi naman pala lahat ay pro-BBM o dahil sa kaanak nila ang First Lady ng bansa na si Atty. Lisa Marcos.
At siyempre pa, isyu rin umano ang goal ni Direk Paul na bigyan ng time ang kanyang pamilya lalo't dalawa na nga ang anak nila ni Toni Gonzaga.
Mabuti na raw 'yung umalis na nang tuluyan sa mapanghusgang mga mata at opinyon ng madla si Direk Paul dahil napatunayan nga raw nitong iba ang mga galawan at laro sa pulitika.
Malamang na mag-focus na lang uli sa pagpoprodyus ng movies at concert ang magaling na direktor.
コメント