top of page
Search
BULGAR

'Di na raw kailangan ng push-up bra… LOVI, PROUD NA TANGGAP NG MISTER KAHIT FLAT-CHESTED

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 25, 2024



Photo: Lovi Poe's Instagram


Feel na feel ni Lovi Poe ang kanyang pagiging Mrs. Blencowe kapag nasa USA siya at kapiling ang kanyang hubby na si Monty Blencowe. 


Thankful si Lovi sa mister na very supportive sa kanyang showbiz career. Hindi siya pinagbabawalan na tumanggap ng mga projects kahit kasal na sila at hindi rin seloso o demanding.


Sa guesting ni Lovi Poe sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), naitanong ni Tito Boy sa aktres kung alam ba ni Monty na anak siya ni Fernando Poe, Jr., ang pinakasikat na action star sa 'Pinas. 


Ayon kay Lovi, na-inform naman daw si Monty, pero hindi niya alam kung sinu-sino ang mga sikat na celebrities sa Pilipinas noon.


Samantala, ibang-iba na ang mindset ngayon ni Lovi Poe. Kung dati-rati ay sobra siyang insecure sa pagiging flat-chested, ngayon ay hindi na siya gumagamit ng push-up bra. ‘Di raw ito kabawasan sa kanyang pagkatao. 


At higit sa lahat, tinanggap siya at pinakasalan ni Monty Blencowe kahit hindi siya “boobsie”.


 

NANANAWAGAN ang Superstar na si Nora Aunor sa lahat ng kanyang mga tagahanga, ganu'n din sa iba pang kababayan na may mabubuting puso, para tumulong at magbigay ng ayuda sa mga pamilyang binaha sa Bicol, lalo na sa bayan ng Iriga, Naga, at iba pang lugar sa Camarines Norte, Albay. 


May mga Noranians na nagdala ng kanilang mga donasyon tulad ng bigas, groceries, damit, atbp.. Tumulong ang mga Noranians sa pagre-repack ng mga ipamimigay na ayuda sa mga taga-Iriga, na mismong bayan ni Nora.


Kahit walang bagyo at baha, nakagawian na ni Nora ang pamamahagi ng food packs at ayuda sa kanyang mga mahihirap na kababayan. Madalas ay sumasama siya sa pagbibigay ng relief goods. 


Inaasahan ni Nora Aunor na tutulong din ang ibang celebrities mula sa Bicol tulad ni Imelda Papin. Maging si Konsehala Aiko Melendez ay nanawagan din ng donasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine.


 

FIRST time na magkakasama sa pelikula ang Comedy Icon na si Vic Sotto at si Piolo Pascual sa MMFF 2024 entry na The Kingdom (TK). 


Tiyak na maninibago ang mga moviegoers sa role/character ni Bossing Vic sa TK. Nasanay na kasi ang lahat na comedy-fantasy ang ginagawa ni Vic para sa MMFF, pero ngayon, ibang Bossing ang mapapanood ng lahat sa TK


Maging si Piolo Pascual na kasama sa movie ay nagulat sa mga eksena nila ni Vic Sotto. Ganunpaman, proud si Piolo na nagkaroon siya ng chance na makatrabaho ang isang Vic Sotto na icon at respetado sa movie industry. 


Kasama rin sa TK sina Cristine Reyes, Sue Ramirez, at Sid Lucero. 

Maraming fans ni Vic ang laging nag-aabang sa kanyang pelikula sa MMFF. Maging ang mga tagahanga ni Piolo ay all-out support sa movie nila.


Well, may pasabog kaya silang gagawin upang pag-usapan ang pelikulang TK? May special guest kaya sila na aapir sa movie?


 

MAY demolition job ngayon laban kay Pasig Mayor Vico Sotto. 

Malakas daw at very influential ang kanyang makakalaban, at maraming tropa na nagpapakalat ng mga paninira sa anak nina Coney Reyes at Vic Sotto.


Alam ni Vico na may demolition job ang mga kalaban niya sa pulitika, pero hindi siya nagpapaapekto at hindi susuko, lalo na’t para sa kapakanan ng mga Pasigueño ang kanyang ipinaglalaban. 


Alam niya na nasa tamang direksiyon siya, at marami ang nagdarasal para sa kanyang kaligtasan. 


All-out support din kay Mayor Vico Sotto ang kanyang amang si Vic at inang si Coney.


 

SOBRANG saya at excited ng Kapuso actor na si Kokoy de Santos dahil nakasama siya sa dalawang pelikulang pasok sa MMFF 2024. 


Ang akala niya, And The Breadwinner Is… (ATBI) lang ang papasok sa filmfest. Kaya nagulat siya nang malaman na napili rin ang pelikulang Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde at isa rin siya sa cast. 


Tiyak na maglalagare si Kokoy sa pagsakay sa float ng ATBI at Topakk sa Parade of Stars ng MMFF 2024.


Well, hindi naman kataka-taka na dalawa ang movies ni Kokoy de Santos sa MMFF 2024. Napaka-talented at propesyonal niyang artista. Wala siyang attitude at mahusay makisama sa kanyang mga co-stars. 


Proud din kay Kokoy ang mga kasamahan niya sa Bubble Gang (BG). Kahit na ano'ng role ang ibigay sa kanya, wala siyang reklamo, basta para sa ikagaganda ng BG

Sa ngayon, career ang prayoridad ni Kokoy. Hinay-hinay muna siya sa kanyang love life dahil hindi pa siya ganap na nakaka-move on sa breakup nila ng dating karelasyon.


Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page