ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 31, 2023

Ikina-touched ng mga netizens ang post ni Robin Padilla tungkol sa panganay na anak nila ni Mariel Rodriguez na si Maria Isabella.
Ibinahagi ni Sen. Binoe ang video ni Isabella habang nag-i-snow skiing na obviously ay kuha nang magbakasyon sila sa Japan recently.
Sa nasabing video ay makikitang na-out of balance si Isabella habang mabilis na dumadausdos sa snow at napahiga.
Ilang segundong hindi gumalaw ang bagets at sapat na ito para mag-panic ang kanyang ama. Sey ni Binoe, hindi siya nakahinga nang makitang hindi gumagalaw si Isabella.
“Unang sabak at stunt ni Maria Isabella sa pagpapadulas sa niyebe, hindi ako nakahinga dito nang ilang saglit hangga't hindi ko siya nakita na gumalaw,” caption ni Binoe.
Kaagad namang nakatayo si Isabella at mukhang hindi nagalusan pero siyempre, hindi maiaalis kay Binoe na labis na mag-alala bilang ama.
“The caption makes me cry and missed my dad,” komento ng isang netizen.
“'Yung caption talaga (ang) nagdala,” reaksiyon naman ng isa pang IG user.
Marami naman ang pumuri kay Isabella sa tapang nito. Mukhang nagmana rin ang bagets sa kanyang amang action star.
Comments