ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 8, 2024
Sa wakas, nagsalita na rin si Jasmine Curtis-Smith upang linawin ang kumakalat na fake news na hiwalay na sila ng kanyang karelasyon.
May tsismis din na siya ang third party kaya nagkahiwalay ang kanyang Ate Anne Curtis at ang mister nitong si Erwan Heussaff.
Noong una, ayaw patulan ni Jasmine ang nasabing balita, ngunit malaki ang epekto nito sa kanyang pagkatao. Hindi niya magagawa ang agawin ang mister ng kanyang Ate Anne. Bukod dito, may karelasyon siya ngayon at masaya sa kanyang love life.
Nakikiusap si Jasmine na tigilan na ang pagkakalat ng fake news. Hindi niya hahayaan ang mga trolls na magpatuloy sa pagkakalat ng mga balitang nakakasira sa kanyang pagkatao.
MARAMI ang nagsasabing hindi na masaya si Vice Ganda sa kanyang ginagawa ngayon. Sa kabila ng kanyang kasikatan at milyones na salapi, hindi pa rin siya lubos na masaya.
Napapansin ng ilang mga netizens na haggard at emotionally drained na si Vice dahil sa malaking responsibilidad niya sa programang It’s Showtime (IS).
Dahil siya ang pinakaposte ng nasabing noontime show, nakaatang sa balikat ni Vice Ganda ang responsibilidad upang mag-rate ang IS.
Pansin din ng mga viewers na pagod na pagod na ang hitsura ni Vice at tila hindi siya nakakapagbakasyon. Hindi niya basta maiiwanan ang IS dahil para na rin sa kanyang mga co-hosts.
HINDI nasayang ang pagod ni Alfred Vargas sa pagpo-produce ng pelikulang Pieta na pinagbibidahan nila ni Superstar/National Artist Nora Aunor, kasama sina Gina Alajar at ang yumaong si Jaclyn Jose.
Well, nanalo kasing Best Actor si Alfred Vargas sa ginanap na WuWei Taipei International Film Festival, kaya ganoon na lang ang kanyang pasasalamat dahil na-appreciate abroad ang pelikulang kanilang pinaghirapan.
Ang ganitong pagkilala kay Alfred Vargas ay nagdulot ng ibayong inspirasyon upang ipagpatuloy niya ang pagpo-produce ng de-kalidad na pelikula.
תגובות