ni Julie Bonifacio @Winner | July 15, 2024
Ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban sa socmed (social media) ang pinagdaanan niyang operasyon sa kanyang balakang kamakailan.
Unlike other patients na natatakot magpaopera, itong si Angelica ay matagal nang nilu-look forward ang maoperahan ang kanyang balakang.
Pahayag ni Angelica sa kanyang latest vlog, “Actually, mas excited ako. Gustung-gusto ko na ‘tong mangyari, gusto ko nang matapos ‘yung nararamdaman kong chronic pain for the past two years.”
November last year pa lang pala ay na-diagnose na si Angelica na may ‘Avascular Necrosis’. Ito ay ang pagkamatay ng tissue ng buto dahil sa kakulangan ng suplay ng dugo.
Tinatawag din ito na ‘Osteonecrosis’, at maaari itong humantong sa maliliit na pagkasira ng buto at maging sanhi ng pagbagsak ng buto.
Sumailalim si Angelica sa tinatawag na hip cord decompression surgery for seven hours nu’ng July 7, Linggo.
Ang mister ni Angelica na si Gregg Homan ang solong bantay niya sa ospital at may mga araw na dinadala kay Angelica ang unica hija nila ni Gregg na si Amila. Crayola pagaspas kasi si Angelica nu’ng unang gabi na ‘di niya nakatabi si Amila sa pagtulog.
Bago ang hip surgery niya, nag-undergo na ng platelet-rich plasma treatment si Angelica.
Sad to say, ‘di bumuti ang kondisyon ni Angelica kaya nagdesisyon ang aktres na magpaopera.
“Napapansin namin na ‘di ako gumagaling, mas nagwo-worse ‘yung pain, pasakit lang s’ya nang pasakit. Last week, nagsusuka ako pagkainom ko ng mga pain medicines ko, mga anti-inflammatory which is safe naman pero feeling ko, nire-reject na ng katawan ko, so suka lang ako nang suka and limping na ako maglakad.
“Nu’ng nakita ng doctor ‘yung X-ray ko, napansin n’yang meron na ngang slight collapse ‘yung left hips ko. ‘Di pa siya totally nagko-collapse pero bumabagsak na ‘yung kaliwa kong balakang kaya nagli-limp na ako, kaya todo na ‘yung pain. So nu’ng hinihingi namin ‘yung suggestion n’ya kung ano ang dapat gawin, ayaw n’yang mabigyan din ako ng hip replacement,” lahad ni Angelica.
Pahayag ni Angelica, “Medyo nakaka-anxious kasi wala na ‘yung mga nurse and isa pang nakaka-anxious kasi kasama ko na ‘yung baby sa bahay.
“Damang-dama ko pa ‘yung maga ng legs ko so nakakapraning na sana, ‘di niya tamaan ‘pag na-excite s’ya sa ‘kin. Kasi dito sa hospital, medyo maiiwas pa namin, eh, ewan ko lang sa bahay kung papaano ‘yung magiging sistema namin. Good luck.”
Well, nakauwi na si Angelica sa bahay at kailangan niyang mag-bed rest for three weeks.
Commenti