top of page
Search
BULGAR

‘Di na kailangan ng pera… VILMA, NAMIMILI NA LANG NG TATANGGAPING PROJECTS

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 29, 2023



Isang masayang Vilma Santos ang humarap sa madlang press pipol sa mediacon ng pelikulang When I Met You In Tokyo na isa sa mga entries sa MMFF 2023.


Hindi naitago ni Ate Vi ang kasiyahan nang mabalitang kasama sila sa MMFF. “Thank God! Thank you, MMFF, for the trust! Teamwork ang movie na ito!”


“Very simple love story but beautiful!” paniniyak ni Ate Vi na hindi lamang kilig at saya ang hatid ng When I Met You in Tokyo.


“May mga lessons din kasi ang movie [like] love has no boundaries, forgiveness, and moving forward in love and life. Simple but beautiful! Let’s fall in love,” aniya pa.


Naibahagi pa ni Ate Vi na, “Haping-haping-happy! Sobra-sobra. Naliligayahan ako kasi medyo matagal ang preparation namin at hirap sa movie at ngayon we are so blessed na sa dami ng pumasok ay nakasama ang When I Met You in Tokyo. I’m very thankful sa MMFF at sa lahat ng nagdasal na makapasok tayo.


“Maganda ‘to. Noong ginawa ito, pinag-isipan din namin ni Boyet at ng team na gumawa tayo ng very simple pero beautiful love story na magugustuhan ng manonood na hindi mahihirapan ang dibdib, hindi madramang-madramasa panahon. It’s a very simple and beautiful love story lalo na para sa may mga edad na magre-retire na.”


Oo naman, ang love, hindi lang pang-bagets kundi pang-senior citizens din, ‘noh.


Inamin ni Ate Vi na kaya niya tinanggap ang movie ay dahil nga light lang ito. Sa edad niya ngayon na 30 something lang (wow, ha?!), ayaw na raw niya nang napapagod.


Kaya nga masuwerte raw siya na nasa punto ng buhay na niya siya ngayon kung saan hindi na niya kailangang pagurin ang sarili sa pagtatrabaho at pinipili na lang niya ang mga roles at offers na gusto niya.


Samantala, tiniyak din ni Ate Vi na sasama siya sa inaabangang Parade of Stars na ginaganap sa unang araw ng MMFF. Inalala nga nito ang mga nakaraang pagsali at pagkapanalo sa festival.


“Iniikot namin talaga ang Manila para sa parada. Ang saya-saya ng affair na ‘yan!”


Ikinatuwa rin ng premyadong aktres ang nalalapit nilang pagkikita ng kanyang mga tagasuporta.


“I will be seeing people again! Makikita ko na naman ang mga fans. Nakae-excite lalo na after pandemic. Ito ang chance makita ulit ang crowd, ang tao! Sana ma-excite rin sila para sa amin,” ang masayang pagtatapos na pahayag ng Star for All Seasons.


At kung magiging number one sila sa MMFF 2023 kalaban ang siyam na entries, well, pahulaan na lang natin kay Madam Damin, boom, ganerrnnn! Insert smiley, ☺!

 


Ibinuhos ng singer-songwriter na si Cool Cat Ash ang iba't ibang damdamin sa kanyang bagong album na I Find Love So, So Weird na mapapakinggan na simula Biyernes (Oktubre 27).

Laman nito ang 13 awitin na isinulat at ipinrodyus mismo ni Cool Cat Ash na kilala rin sa tunay niyang pangalan na Ashley Aunor. Mula sa novelty at rock songs, sinubukan naman niya ang kanyang talento sa pagbuo ng pop at upbeat songs.


“Hindi ko in-expect na ilalabas ko itong songs in the first place. Star Music encouraged me to write more upbeat and pop songs because they believed in me, so I'm very happy that they supported me in that way,” saad niya.


Sa key track na I Find Love So, So Weird, ibinahagi ni Cool Cat Ash ang nakakakabang pakiramdam na mahulog para sa taong minamahal at kung paano nakakaapekto ang peer pressure mula sa iba’t ibang tao.


“It’s all about me finding love so weird kasi medyo allergic ako sa romantic love. I feel like I’m too scared to fall deeply in love and I’m scared of being vulnerable and intimate with anyone. For this, na-feel ko ‘yung peer pressure mula sa mga taong nahanap na ‘yung taong mahal nila,” kuwento niya sa naganap na album launch nitong Miyerkules (Okt. 25).


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page