top of page
Search

`Di malalang COVID-19, bawal sa malaking ospital

BULGAR

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 22, 2021




Nananawagan ang Philippine Hospitals Association (PHA) sa mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID-19 na pumunta na lamang sa maliliit na ospital upang maiwasan ang ‘overloaded capability’ ng malalaking ospital, ayon sa panayam kay PHA Head Dr. Jaime Almora ngayong umaga, Marso 22.


Aniya, "Nananawagan tayo sa mga pasyente na may mild symptoms na sa maliit na ospital na kayo pumunta kasi overloaded na 'yung capability, it's not actually the capacity but the capability ng malalaking ospital.


Ordinarily, itong malalaking ospital na ito, nakakapag-expand naman 'yan kaso sa sitwasyon na ito, kulang sila sa manpower. So, hindi sila makapag-expand ng kanilang capacity."


Iginiit din niya na hindi timeout ang solusyon, kundi reinforcement, partikular na sa mga nurse sapagkat pagod na sila dahil sa dami ng pasyenteng naka-confine sa ospital.


Paliwanag niya, "We are requesting na reinforcement sana manggaling sa agencies na health-related po. Ironically, ang reinforcement na kailangan ngayon ng health services ay manggagaling sa military at sa police, kasi sila na ang pinakamalaking employer ng mga nurses."


Dagdag pa niya, “'Yung benefits sa health workers, wala pa ring natatanggap. Pahirapan po 'yan. Kahit na mag-positive ka, ang dami nilang hinihingi to the point na ayaw mo na lang mag-claim… Sa tagal, hindi pa rin natin na-perfect 'yung tamang proseso.


'Yung contact tracing, ‘di pa rin malawak. 'Yung mass testing sa posibleng pasyente, hindi pa rin accessible sa ordinaryong tao. Wala tayong karagdagang quarantine facilities.” Sa ngayon ay nanganganib nang mapuno ang mga ospital sa Metro Manila.


Nauna nang sinabi ng Philippine General Hospital (PGH) at St. Luke's Medical Center (SLMC) na hindi na sila tatanggap ng pasyenteng may severe case ng COVID-19 sapagkat anila, naabot na ng ospital ang kanilang buong kakayahan.


Kaugnay nito, nagbabala naman ang OCTA Research Group na posibleng mapuno ang mga ospital sa unang linggo ng Abril dulot ng patuloy na pagtaas ng reproduction rate ng virus sa National Capital Region.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page