Dear Roma Amor - @Life & Style | August 21, 2020
Dear Roma,
Ako si Anna. Siguradong marami ring mommies tulad ko ang namumroblema ngayon tungkol sa kung ano dapat ang maging desisyon namin ngayong mayroon tayong pandemyang kinakaharap. Nagkakaroon din kami ng pagtatalo ng aking mister dahil nais niyang ituloy ng mga anak namin ang pagpasok sa eskuwelasakali mang magbukas na ang paaralan nila. Mahirap magdesisyon kapag salungat sa gusto ng asawa ang plano o binabalak mo. Paano ko ba siya makukumbinsi na mahirap isugal ang buhay ng mga anak namin? Para kasi sa akin, ayos lang na mahuli ang anak namin basta nasisigurado kong ligtas ang buhay nila. Salamat Roma.
– Anna
Anna,
Tulad mo, marami ring magulang ang hirap magdesisyon para sa kanilang mga anak. May ilang nagsikap mai-enroll ang anak, at meron titigil muna dahil ‘di sure sa kaligtasan at nag-aalinlangan sa pagiging epektibo ng distance learning.
Kung may pag-aalinlangan ka, pag-usapan n’yo itong mag-asawa dahil ito ay para sa inyong mga anak, at kung mapagkakasunduan n’yong patigilin muna sila, sikapin n’yong turuan sila kahit sa bahay lang.
Unawain ang opinyon ng bawat isa at kailangan n’yong magkasundo. Ipaalala mo na buhay ng inyong mga anak ang nakasalalay dito. Ngayong may virus sa paligid, higit kayong dapat mag-ingat. Good luck!
Comments