ni Nitz Miralles @Bida | September 6, 2023

Na-witness ni Sam Milby ang pagkikita nina Maja Salvador (kasama ang asawang si Rambo Nuñez) at Gerald Anderson.
Nasa likod lang pala nila si Sam, kaya nakita niya ang paglapit ni Gerald sa mag-asawa.
Pati na rin ang pagyakap nito kay Rambo at pagbeso sa ex-girlfriend na si Maja.
Sa reaction ni Sam, mukhang hindi rin siya makapaniwalang magiging maganda ang pagkikita ng dating magkasintahang Maja at Gerald. Makikita sa mga mata ni Sam na parang gusto nitong sabihin na “Totoo at tama ba ang nakikita ko?”
Sa kaso ni Rambo, hindi isyu ang mainit nilang batian ni Gerald kasi naging magkaibigan daw ang dalawa dahil sa basketball at baka nakapaglaro na rin sila noon.
Samantala, ipinokus ng mga netizens kay Sam ang video at talagang hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita.
Comments