top of page
Search
  • BULGAR

'Di lang si Jennylyn… CARLA, OUT DIN SA STATION ID NG GMA-7

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 4, 2024



Showbiz News

Ikinatuwa ng mga fans at supporters ni Jennylyn Mercado ang paglilinaw ng Aguila Entertainment na hindi totoo ang balitang lilisanin na ng Ultimate Star ang GMA Network. 


Mananatili raw na Kapuso si Jennylyn Mercado kahit hindi siya nakasama sa bagong Station ID ng GMA-7. Hindi lang daw tumugma sa schedule ni Jen kaya hindi siya nakarating sa shoot.


Maging si Carla Abellana ay wala rin sa Station ID ng GMA-7 pero muli siyang pinapirma sa bagong kontrata. Kasama ngayon si Carla sa bagong suspense-drama na Widows’ War with Bea Alonzo, Jean Garcia atbp..


So there, walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga ni Jennylyn Mercado dahil bahagi pa rin siya ng GMA Network.


 

HINDI umepekto ang ginawang pagpapa-cute ni Andrea Brillantes sa sikat na Korean actor na si Kim Soo Hyun na nag-fan meet sa ‘Pinas recently. 


Nagsuot ng wedding gown si Andrea para raw mapansin at may placard pa siya na may nakasulat na “Will You Marry Me”. 


Ganitung-ganito rin ang style ni Andrea upang mapansin ng basketball player na si Ricci Rivero, nanood siya ng basketball game at may dalang placard na ang nakasulat ay “Will You Be My Escort?” 


Siyempre, napansin siya ni Ricci at du’n nagsimula ang kanilang relasyon. Pero hindi rin sila nagtagal dahil maraming isyu at kontrobersiya.


Well, nakatagpo si Ricci ng bagong mamahalin na isang lady politician na si Leren Bautista. 


Ngayon ay pahinga muna raw ang puso ni Andrea Brillantes at ayaw munang pumasok sa bagong relasyon. Sa kanyang career muna raw siya magko-concentrate. 


 

DAHIL sa status ngayon ng relasyon nina Bianca Umali at Ruru Madrid, may bali-balitang posibleng magpakasal na sila soon, lalo na’t may naging pahayag si Bianca na at this point of her life ay nakikita niya at sigurado na siya sa kanyang sarili na si Ruru na ang lalaking gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay. 


Ganu’n din naman si Ruru Madrid na nagsabing maraming nagbago sa kanyang buhay nang dumating ang aktres. Mas nagkaroon siya ng drive sa kanyang career para maabot ang kanyang goal as an artist. 


Hindi rin problema ang pagiging Iglesia Ni Cristo (INC) ni Ruru dahil INC na rin ngayon si Bianca.


Well, it seems nalampasan na nila ang mga pagsubok na dumating sa kanilang relasyon. Nakatuon na ngayon ang kanilang plano para sa kanilang future. 

Pero may payo ang mga netizens kina Bianca at Ruru, ‘wag daw munang magmadali sa pagpapakasal at samantalahin ang mga oportunidad sa kanilang career. Tutal, bata pa sila at ngayon pa lang yumayabong nang husto ang kanilang career. Kailangang financially stable na at  may sapat na ipon sa pagsisimula na bumuo ng kanilang pamilya.


Si Ruru Madrid ay mas sumikat dahil sa action serye niyang Black Rider, samantalang si Bianca Umali ay malapit na ring mag-umpisa ang biggest project niya sa GMA Network, ang Encantadia Chronicles.


 

Ngayong buwan ng Hulyo ay palalakasin pa nang husto ng GMA Network ang kanilang mga programa sa Afternoon Prime. 


Top rated pa rin hanggang ngayon ang Abot-Kamay Na Pangarap na mahigit isang taon nang umeere at na-extend pa ito dahil sa request ng mga viewers.


Well, mamimigay ng cash prize sa mga viewers ng Abot-Kamay Na Pangarap, ganu’n din sa Lilet Matias: Attorney-at-Law at sa Fast Talk with Boy Abunda


Abangan lang sa Guess to Win promo ang mga katanungan na dapat sagutin. Sa Family Feud ia-announce ang 7 winners na mapipili na mananalo ng P20 thousand each at

araw-araw ito. 


Bongga!


1 comment

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page