ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 8, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_7aa0253948da412e89161527a3191fac~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_7aa0253948da412e89161527a3191fac~mv2.jpg)
Mukhang tuluy-tuloy na nga ang tambalang Francine Diaz-Seth Fedelin (FranSeth) dahil pagkatapos ng tagumpay ng first team-up series nilang Dirty Linen ay may bago na naman silang serye ngayon, ang mystery-thriller na Fractured.
Sa ginanap na mediacon/screening ng serye last Wednesday ay aminado naman ang FranSeth na talagang kinabahan sila nang matanggap nila ang offer dahil medyo mature na ang roles nila to the point na nagmurahan pa ang mga karakter nila.
But at the same time ay na-excite rin sila dahil kakaibang FranSeth ang makikita sa bagong serye na kinunan pa nang 7 days sa isang isla.
Siyempre, hindi puwedeng hindi matanong ang dalawa kung ano na ba talaga ang tunay na estado ngayon ng kanilang relasyon.
“Ah, happy kami ngayon, sobrang happy kami ngayon,” ang nakangiting sambit lang ni Seth.
Nang matanong naman si Francine, sambit niya, “‘Yung sagot po niya (Seth).”
Ang masasabi lang daw nila ay araw-araw naman, nag-i-improve ang kanilang samahan at mas nakikilala nila ang isa’t isa sa pagdaan ng mga araw.
“Aminin na natin, maging totoo naman tayo. Araw-araw naman po, siguro, nag-i-improve naman po ‘yung samahan namin. Nakikilala ako ni Chin (Francine), nakikilala niya ‘yung ugali ko, nakikilala ko si Chin, so araw-araw, may progress kami.
“Pero to be honest po, wala pa kami ru’n sa iniisip ng marami na ganito-ganito, ganyan-ganyan,” paliwanag ni Seth.
Pero nasa level na ba siya na nanliligaw or nagpaparamdam kay Francine?
“Wala pa po,” sambit ng aktor. “Bago siya, siguro, ang liligawan ko muna, si tita (nanay ni Francine), ‘yun muna,” dagdag pa niya.
Natanong naman si Francine kung paano niya ide-describe si Seth sa buhay niya at sagot ng dalaga, “Ah, I think as of the moment, happiness.”
Nang hingan ng reaksiyon si Seth, masaya niyang sabi, “Thank you, napapasaya rin ako ni Chin.”
When asked kung boyfriend/girlfriend material ba ang isa’t isa, “Very” sabi ni Francine.
Sagot naman ni Seth, “Wife-material yata, puwede.”
Siyempre, tuksuhan at kantiyawan ang press sa FranSeth sa sagot ni Seth.
Paliwanag ng aktor, “Kaya ko nasabi ‘yun kasi gusto ko kung paano siya pinalaki ng pamilya niya.”
Samantala, magsisimula nang mapanood ang Fractured sa September 15 (Friday) on the iWantTFC app or website and iWantTFC’s YouTube channel with new episodes dropping every Friday at 8 PM.
Kasama rin sa serye sina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Raven Rigor and Sean Tristan.
Comments