top of page
Search
BULGAR

‘Di lang pamporma… Gold, pampaganda ng daloy ng dugo, oks pa sa mental health

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 12, 2020




Marami sa atin ang nahihilig sa pagsusuot ng alahas bilang koleksiyon, fashion style at iba pa.


Pero knows n’yo ba na ang mga ito ay hindi lamang basta materyal na bagay?

Tulad na lamang ng ginto, kung saan ang paggamit at pagsusuot ng alahas na ito ay may ilan palang benepisyo o pakinabang, tulad ng mga sumusunod:

  1. FINANCIAL SECURITY. Tulad ng diamond, silver at iba, kailanman ay hindi ito magiging disposable dahil may halaga ito hanggang sa pinakamaliit na piraso. Sa pagbili nito, hindi lamang ang iyong sarili ang makikinabang dahil maaari rin itong manahin ng susunod na henerasyon ng inyong pamilya sapagkat hindi ito nawawalan ng halaga. Gayundin, oks itong maging backup plan kapag nagkagipitan dahil maaaring itong maibenta o maisanla.

  2. PHYSICAL HEALTH. Alam n’yo ba na may naitutulong din sa aspetong kalusugan ang ginto? Ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ang pagsuot ng alahas na ito sa mabuting pagdaloy ng oxygen sa ating bloodstream. Kapag nakadadaloy nang maayos ang oxygen, mabuti ang dulot nito sa ating katawan. Isa pa sa magandang benepisyo nito ay nare-regulate nang maayos ang ating body temperature. Kaya naman, malaking bagay ito para sa mga nakararanas ng hot flashes at excessive sweating.

  3. MENTAL HEALTH. Kapag nakadarama ng labis na pagkapagod, nakatutulong ang alahas na ito na magbigay ng relief. Ang regulasyon sa temperatura at wastong sirkulasyon ng dugo ay makatutulong upang mapanatili ang maayos ang ating energy levels. At kapag may sapat na energy, maiiwasan ang depresyon. Ito rin ay nakatutulong upang maiwasan ang sintomas anxiety.

  4. SELF-IMAGE. Ang pakiramdam ng maganda sa araw-araw ay isa sa mga bagay na walang masama kung gagawin o hindi dapat ika-guilty. Bawat isa ay may paraan kung paano magkakaroon o ma-achieve na maging ‘feeling beautiful’. Ang pagsusuot ng gold sa katawan ay tunay na nakadaragdag ng kumpiyansa sa sarili, hindi lamang ito ‘luxury material’ na basehan ng social status, mas simbolo ito ng pagpapahayag ng ating sariling halaga.

Tunay na nakadaragdag ningning ang mga alahas sa indibidwal na nagsusuot nito. Ngunit, ang gold ay maituturing na multipurpose na alahas. Bukod sa ‘universal symbol’ ito ng rarity, purity, at kasaganahan. Hindi lamang ito fashion accessory, kundi maaaring pamana sa pamilya, natural remedy, at smart investment. Ganern!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page