top of page
Search

‘Di lang pampasarap ng ulam... Health benefits ng sibuyas, alamin!

BULGAR

ni Justine Daguno - @Life and Style | August 6, 2020




Alam n’yo ba na ang sibuyas ay hindi lamang simpleng sangkap sa ating niluluto?


Ang gulay o “spice” na ito ay maraming benepisyo — hilaw man at luto nating ikokonsumo. Ito ay nagtataglay ng iron, antioxidant at iba pang mahahalagang bitamina. Mayaman din ito sa Vitamin C at B kabilang ang folate.


Narito ang ilan pa sa mga mabuting benepisyo ng pagkonsumo ng sibuyas:

1. PAMBALANSE NG TEMPERATURA. Know n’yo ba na sobrang oks ipanghalo sa pagkain o kumain ng sibuyas kapag summer season? Ito ay dahil ang sibuyas ay nagtataglay ng cooling properties o mayroon itong tinatawag na volatile oil na nakatutulong upang mabalanse ang temperatura ng katawan kapag mainit ang panahon. Mas oks kung kakainin ito ng hilaw o bilang salad.

2. PANGKONTROL HIGH BLOOD PRESSURE. Para sa matatanda o sinumang nakararanas ng high blood pressure o may hypertension, maaaring isama ang sibuyas o onion salad sa listahan ng inyong “snack” o meryenda. Ito ay dahil ang sibuyas ay mayaman sa potassium na siyang bitamina na nakatutulong upang mapanatiling normal ang presyon ng dugo.

3. OKS PARA SA MGA MAY DIABETES. Kinakailangan din isama sa food diet ng mga diabetic ang sibuyas. Ang glycemic index ng sibuyas ay mas mababa sa 10 na siyang dapat kinokonsumo ng mga may diabetes. Kaunti lamang din ang taglay nitong carbs, ngunit mataas ang fiber content. Ang ganitong kombinasyon o properties ang kailangan upang mapanatiling normal ang blood glucose levels ng mga diabetic.

4. NAPALALAKAS ANG GUT AT HEART HEALTH. Ang sapat na dami ng fiber at prebiotics na tinataglay ng sibuyas ay malaki ang pakinabang upang mapanatiling malusog ang ating gut (panunaw) at heart health. Sa regular na pagkonsumo ng sibuyas, maiiwasan ang pagkakaroon ng indigestion. Gayundin, nakatutulong ito upang makontrol ang cholesterol levels na mabuti naman para sa puso.

Sa panahon ngayon, make sure na healthy ang ating kinakain o kinokonsumo. Sa dami ng mga nauuso at nagkalat na sakit, mahalagang may sapat tayong panlaban dito. Panatilihin ang regular na ehersisyo, pagtulog na may sapat na oras at pagkonsumo ng masusustansiyang pagkain. Okay?

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page