top of page
Search
BULGAR

‘Di lang pala kakulangan sa tulog, besh!...

Allergies, paninigarilyo at pag-inom ng alak, sanhi ng dark under-eye!

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| February 28, 2021





Isa sa mga pinaka-ayaw natin ay ang pagkakaroon ng dark under-eye. ‘Yung tipong, mukha tayong pagod kahit may sapat naman tayong tulog. ‘Kainis, ‘di ba?


Well, knows n’yo ba na hindi lang kakulangan sa tulog at pahinga ang tunay na sanhi ng pagkakaroon ng mala-panda nating mga mata? Yes, besh!


Kaya naman, narito ang iba’t ibang sanhi ng pagkakaroon ng nakakairitang dark circles:


  1. KULANG SA TULOG. Sey ng experts, ang sleep deprivation ay nagreresulta sa pagiging maputla ng ating balat. Gayundin, ang blood vessels sa ilalim ng ating balat, kaya mas nagiging halata o obvious ang ating dark circles. Dahil dito, inirerekomendang magkaroon ng pito hanggang walong oras ng tulog kada gabi upang mabawasan ang dark circles.

  2. PAGTANDA. Yes, beshy! Ito ay dahil ang mga tissue sa paligid ng ating mga mata ay numinipis, kaya nagmumukha itong puffy at namamaga. Gayunman, may ilang treatment para sa age-induced under-eye circles tulad ng fillers at laser therapy. Pero wait lang, dahil hindi lahat ay puwedeng sumailalim sa mga procedures na ito kaya mabuting kumonsulta muna sa inyong doctor.

  3. ALLERGIES. Ang allergy at dry eyes ay isa rin sa mga dahilan ng pagkakaroon ng dark under-eye. Ayon sa mga eksperto, kapag nagkaroon ng allergic reaction, ang katawan ay nagre-release ng histamins, na nagdudulot ng pangangati at pamumula ng mga mata at kapag kinamot ang mga ito, tataas ang irritation, pamamaga at appearance ng dark shadows.


Kung ikaw ay nakararanas ng ibang allergy symptoms tulad ng makating mga mata, pagbahing o congestion, allergies ay dahilan ng inyong dark circles.


  1. GENETICS. Habang maraming environmental causes ang pagkakaroon ng dark circles, sey ng experts, ito ay maaari ring genetic o namamana. Sa isang pag-aaral noong 2015, na nai-publish sa Brazilian medical journal, napag-alaman na ang family history ang may pinakamalaking factor sa pagkakaroon ng dark circles, kung saan ang average age ay ang mga kalahok na nasa edad 24. Gayunman, napag-alaman din na ang collagen level at melanin production ay may kaugnayan sa dark circles.

  2. IRON DEFICIENCY AT ANEMIA. Ang anemia ay isang kondisyon tungkol sa kakulangan ng red blood cells at ito ay kadalasang dahil sa kakulangan ng iron sa diet. Sa pagkakaroon ng anemia, hindi kayang magdala ng blood cells ng sapat na oxygen sa body tissues, kabilang na ang nasa ilalim ng mga mata. Ayon sa isang pag-aaral noong 2014 na na-publish sa Indian Journal of Dermatology, napag-alaman na ang kalahati ng 200 pasyente na may dark circles ay mayroong iron deficiency anemia. Bagama’t hindi tuluyang nawala ang kanilang dark eye circles nang tugunan ang anemia, maraming pasyente ang nakaranas ng improvement sa kanilang kalusugan nang magamot ang anemia. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto ang healthy diet, kabilang ang mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng spinach, beans at seafood.

  3. PANINIGARILYO AT PAG-INOM NG ALAK. Sey ng experts, ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay nagde-dehydrate sa balat, kaya nagkakaroon ng dark circles. Ang pag-inom ng alak ay nagreresulta sa paglaki ng blood vessels sa ilalim ng mga mata, kaya mas nagiging prominent o kapansin-pansin ang dark circles. Gayunman, ang pag-inom ng alak ay may negatibong epekto sa pagtulog.


Dagdag pa ng mga eksperto, ang carbon monoxide sa sigarilyo ay nagde-deprive ng oxygen sa balat, kaya mas nagmumukha itong dark sa mga areas na manipis ang balat, tulad ng under-eye. Ang paninigarilyo naman ay nagpapabilis ng skin aging dahil nasisira nito ang collagen.


Sa true lang, maraming sanhi ang dark circles sa ilalim ng bating mga mata, pero sa ibang kaso, ito ay posibleng senyales ng sakit tulad ng anemia.


Kaya kung ang inyong dark circles ay hindi nawawala kahit mayroon kayong sapat na tulog o at-home remedies, mabuting kumonsulta na sa inyong doktor upang malaman ang tunay na sanhi nito. Keri?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page