‘Di lang naging piloto… XIAN, PROUD NA MAY SARILING CHOPPER NA
- BULGAR
- 3 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 15, 2025
Nagbalik sina Gabbi Garcia at Xian Lim bilang mga hosts ng Miss Universe-Philippines 2025. Matatandaang si Xian, kasama sina Alden Richards at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, ang mga hosts ng MUPH 2022 Coronation Night. Si Gabbi naman ay kabilang sa mga hosts ng MUPH last year.
Ini-announce ng MUPH sa kanilang Instagram account ang pagkapili kina Gabbi at Xian bilang mga hosts sa coronation night on May 2, 2025 sa SM Mall of Asia (MOA).
Nagpasalamat si Xian sa pagkapili sa kanya, “It’s an honor for Miss Universe-Philippines to return to the pageant stage and host this year’s Miss Universe Philippines 2025! See you all on May 2.”
Good news ito sa mga fans ni Xian dahil nami-miss na nila ito. Busy ito sa mga non-showbiz ganap sa kanyang buhay kasama ang pagiging piloto.
Ang latest na nabalita tungkol sa kanya ay ang pagbili ng chopper. Sagot nito sa nag-congratulate sa kanya, “This is more than I ever dreamed of as a kid.”
Ang daming gustong sumakay sa chopper ni Xian na siya ang piloto.
Masaya rin ang mom nitong si Mary Anne at sabi, “Proud of you, son. Never in our wildest dream, and who would have thought that there would be a pilot in the family. Keep on reaching for the stars, anak. Mag-aral kang mabuti. We are all here behind you.”
Ang tanong ng mga fans kay Xian Lim, kailan nito babalikan ang showbiz? Baka raw makalimutan nitong may showbiz career pa siya at may fans na naghihintay na mapanood siya sa pelikula at telebisyon.
Forever daw…
BONG: KUNG MAMAMATAY AT MABUBUHAY AKONG MULI, SI LANI PA RIN ANG PIPILIIN KO!
IKA-57 birthday ni Cavite 2nd District Representative Lani Mercado noong April 13 at short but full of love ang birthday greetings sa kanya ng asawang si Sen. Bong Revilla, Jr..
Ani Sen. Bong, “To the woman who always had my back since day 1, happy birthday to you! Walang Tolome, kung wala ang original na Gloria. I love you, Mama @lanirevilla.”
Sagot ni Lani, “Tolome!!!! I love you!”
May kasamang reels ang birthday post ni Bong, collage ng photos nilang mag-asawa mula noong bata pa sila hanggang ngayon na may mga anak at apo na sila.
Ang ganda ng reels lalo na’t ang background music ay Palagi song nina TJ Monterde at KZ Tandingan.
Sa Facebook (FB) ni Bong, may reels na binuhat ng kanilang mga anak si Lani at may reels din kung saan sinabi ni Bong ang, “Kung ako ay mamamatay at mabubuhay muli, ikaw pa rin ang pipiliin ko at mamahalin habambuhay.”
Busy sa kani-kanyang kampanya sina Bong at Lani at ang kanilang mga anak. Ang magandang balita, pare-parehong maganda ang standing nila sa mga surveys. Sa last mediacon nga ni Bong, nai-share na running unopposed sa Cavite ang kanyang pamilya, patunay daw ito ng tiwala sa kanila ng kanilang mga nasasakupan.
SAGOT ba ni Gene Padilla sa pagtukoy sa kanya ni Marjorie Barretto sa interview nito kay Ogie Diaz ang latest post ng kapatid ni Dennis Padilla na, “It’s okay if you say hurtful things. You don’t know me, and I don’t know you—but I still choose to send you love, peace, and prayers for healing.”
Sinundan ito ng post na parang patungkol sa mga bashers niya dahil na-bash siya sa nabanggit ni Marjorie na hindi naman pala siya invited sa wedding nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo.
Sunod na post ni Gene, “I acknowledge and respect your individual perspectives, just as I am merely conveying my own thoughts and feelings.”
Hindi na sinagot ni Gene ang pang-aasar na hindi siya invited at puro positive ang mga posts na mas maganda dahil walang bashing at walang nega comments.
Samantala, nananatiling naka-off ang comment box ng Instagram (IG) ni Dennis Padilla, na again, tama lang para walang dagdag na isyu.
Ang payo ng mga netizens kay Dennis, mag-concentrate sa pangangampanya dahil tumatakbo siyang konsehal sa 2nd District ng Caloocan City.
Comments