top of page
Search
BULGAR

‘Di lang maingay sa socmed… MOVIE NINA VILMA, AGA AT NADINE, PINIPILAHAN SA SINEHAN

ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 28, 2024



Photo: Aga, Vilma at Nadine sa Uninvited premiere - FB - Nadine Lustre


Napakalakas naman sa social media, vloggers and podcasters ng Uninvited. Resibo kung resibo rin ang ipinapakita nilang dagsa at pila ng mga tao sa sinehan, plus ang magagandang reviews at reactions ng mga nakapanood.


May mga nagsasabi ring maraming nagmamagaling na reviewers ang pelikula gaya ng mga nagrerebyu rin sa mga entries na Espantaho, My Future You (MFY), Himala at Topakk.


Labanan kasi ng tinatawag na “word of mouth”, lalo’t ang mga taong nagbabayad sa mga sinehan ay naghihintay talaga ng mapagkakatiwalaan nilang mga sources bago sila manood ng sine.


Whether that’s a good sign or what, malinaw ang resulta na negosyo pa rin ang lahat at ang pagkamal ng bilyones ang layunin ng nag-organisa ng festival.


Kaya gaya ng palasak nang kasabihan sa botohan sa pulitika na “vote wisely”, “choose your movie wisely” naman ang maipapayo natin sa mga moviegoers.


At ‘yan ang aming inaasahan sa Gabi ng Parangal- piliin at manalo talaga ang mga karapat-dapat.


 

Kani-kanya na talagang teritoryo ang mga PR groups ng lahat ng entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).


Grabe ang promo campaign ng The Kingdom (TK) dahil literal na nasa lahat ng platform nila ang kampanyang maganda, pinag-uusapan, box-office hit at kakaibang Vic Sotto ang nagbibida sa film.


And yes, totoo ang tsikang nagpalabas ng memo ang matataas na executives ng buong network ng TV5 at lahat ng kumpanya nito, media and non-media, na i-push nang todo ang movie. Kaya ‘yung mga ibang entries na waley talagang konek, powers o independent at umaasa lang sa lakas ng entries nila, napag-iiwanan talaga.


TV5 and its affiliate groups are doing exactly what used to be the “works” of ABS-CBN kapag may mga gusto silang i-push na ikampanya. Spreading all over silang talaga, kahit hindi naman 100% totoo ang mga claims nila.


And yes, asahan na nating hindi nila babanggitin o bibigyan ng katiting na atensiyon ‘yung mga kalaban nilang either nakakaungos o sadyang malakas.


Although ginagawa rin naman ‘yan ng GMA-7 with their Green Bones (GB) entry but they still try naman to offer alternatives kumbaga.


And did we forget to say na very territorial pa rin ang ABS-CBN sa entry nilang And The Breadwinner Is… (ATBI)?


 

KAYA naman heto ang aming walang takot na prediksiyon base sa aming mga napanood na entries (as of presstime, naka-pito na kaming entries).


Frontrunner sa amin ang Uninvited at dito manggaling ang aming Best Actress (Vilma Santos), Best Actor (Aga Muhlach), Best Supporting Actress (Gabby Padilla o Nadine Lustre), Best Director (Dan Villegas) at Best Picture.


Deserving naman na makakuha ng high commendation o makasulot ng win para sa Green Bones sina Dennis Trillo (Best Actor ) at Wendell Ramos (Best Supporting Actor). Deserve rin ni Zig Dulay na ma-nominate as Best Director at Ruru Madrid as Best Actor.


Although mahihirapan talagang kabugin ang performance ni Ate Vi sa Uninvited as Best Actress, bibigyan naman siya ng magandang laban nina Judy Ann Santos, Aicelle Santos (Himala), Julia Montes (Topakk), o kahit ni Francine Diaz (My Future You).


Ang mga supporting performers na sina Chanda Romero, Lorna Tolentino, Kakki Teodoro, RK Bagatsing, Piolo Pascual, Nonie Buencamino, o Eugene Domingo, ay posible ring maparangalan sa mga respective entries nila.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page