top of page
Search

‘Di lang magandang gamitin bilang bubong...

BULGAR

Anahaw, epektib na gamot sa diarrhea, panlaban pa sa peklat

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 4, 2020




Ang anahaw.


Sikat na sikat ang anahaw, lalo na rito sa ating bansa dahil ito ay ginagamit na bubong sa bahay. May isa pang ginagamit bilang bubong at ito ay ang pawid na mula naman sa dahon ng sasa.


Pero ang sasa o nipa hut ay tumutubo lang malapit sa body of water, samantalang ang anahaw ay tumutubo sa lupa at dahil mas malawak ang kalupaan, mas maraming anahaw kaysa sa nipa hut. Bukod pa rito, mas maganda ang bubong na gawa sa anahaw dahil sa tingin pa lang ay maaakit ka na sa ganda ng anahaw na parang pamaypay. Mas madali ring ikabit ang mga anahaw sa bubong kaysa sa nipa hut na mabusisisi bago maging pawid o bubong.


Ang anahaw din ay tradisyunal na ginagamit bilang halamang gamot. Sa mga malalayong lugar na walang mga doktor, botika, medical clinics at ospital, malaki ang naitutulong ng anahaw sa mga may karamdaman.


Tulad ng pagtatae o diarrhea na kapag hindi naagapan ay nakamamatay. Ang totoo nga, ayon sa mga datos, diarrhea ang numero-unong dahilan ng pagkamatay ng mga nasa malalayong probinsiya. Kahit naman sa mga siyudad, ang diarrhea ay ganundin, mamamatay ka kapag hindi mo ito nasolusyunan.


Ang pinakuluang dahon ng anahaw ay gamot sa diarrhea, kaya ang mga bahay sa malalayong lugar at probinsiya ay may nakatagong pinatuyong dahon ng anahaw. Anumang oras, ito ay kanilang pakukuluan, kaya ang diarrhea o pagtatae ay malulunasan.


Mahirap magkasakit sa probinsiya, pero mas mahirap magka-diarrhea sa dis-oras ng gabi dahil kadalasan, ito umaatake sa gabi. Kaya paano kung ang bahay ay malayo sa mga ospital? Sa gabi rin, ang mga doktor ay wala dahil natutulog na at sa gabi, sarado rin ang mga botika. Ang sagot sa ganitong sitwasyon ay magtabi ng mga pinatuyong dahon ng anahaw para palaging handa kung magkaroon ng diarrhea.


Gamot din ang dahon ng anahaw sa mga sugat, lalo na sa bago o sariwang sugat. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagdurog o pagdikdik ng dahon ng anahaw at itatapal o ilalagay sa mga sugat.


Ang maganda sa dahon ng anahaw bilang panlunas sa sugat ay maiiwasan ang pagkakaroon ng peklat ang balat dahil ang dahon ng anahaw ay pangontra rin dito.


Ipinaliligo rin ang tubig na pinagpakuluan ng dahon ng anahaw dahil ito ay anti-bacterial. Kaya ginagamit din ito bilang pampaligo at panghugas ng mga kamay.


Ang bunga ng anahaw na pinatuyo sa araw o sun dry, kapag dinikdik at ginawang pamalit sa kape o tsaa ng mga may cancer, sila ay magsisigaling dahil ang bunga ng anahaw ay anti-cancer din.


Kaya ang anahaw ay hindi lang nagbibigay ng proteksiyon sa mga bahay kapag ginamit na bubong dahil ito rin ay nagbibigay-proteksiyon laban sa sakit na nakakamatay.

Good luck!

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page