top of page
Search
BULGAR

‘Di lang good sa heart... Pulang repolyo, oks sa may diabetes at mahinang blood vessel

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | September 28, 2020




Ang pulang repolyo o red cabbage.

Ito ay ang kulay lila-pula ng mga dahon at isang ulo ng repolyo. Matibay ang pulang repolyo sa malamig na panahon at mainit na klima.

Ginagamit din ito sa mga salad para maging maganda ang dating, kaya sikat ang pulang repolyo sa mga nagdidiyeta.

Pero ang pinakamalaking pakinabang ng red repolyo sa mga tao ay ang kakayahan nitong magpagaling ng mga sakit na hindi na kayang gamutin ng mga doktor o agham ng medisina.

May sakit ka ba at ang sabi ng doktor mo ay wala nang pag-asa na gumaling o mawala? Subukan mong kumain ng pulang repolyo. Kung anu-anong laboratory exam na ba ang ginawa mo, pero hindi matukoy ang sakit mo? Try mo ang pulang repolyo.

May cancer ka ba? Maaaring nasa pulang repolyo ang susi sa paggaling mo.

Tinatawag itong red cabbage, pero actually, ito ay purple o lila tulad ng nasabi na sa unahan. Kaya nagkulay lila o purple ang pulang repolyo ay dahil sa taglay niyang anthocyanins.

Ang anthocyanins ay isang klase ng flavonoid, na kinikilala ring antioxidant. Lahat ng doktor ay nagkakaisa na ang anthocynins ay malakas na panlaban sa mga free radical na nakapasok sa katawan ng tao. Ang anthocyanins din ay epektibong anti-inflammatory, ant-viral at anti-cancer.

Bilang isa ring herbal medicine, ang red cabbage ay panggamot din sa mga sumusunod:

  • Mahihinang blood vessel

  • High blood pressure

  • Diabetes

  • Sinasabing walang gamot sa sipon pero sa pagkain ng pulang repolyo, ito ay nawawala.

  • Napakahusay din nito sa urinary tract infection o UTI.

  • Nagpapalakas ng puso kaya ang pulang repolyo ay heart-friendly.

  • May mga pag-aaral sa medisna kung saan ang resulta ay nagsasabing mayaman sa anthocyanins ang pulang repolyo na nakagagamot sa breast cancer.

Muli, ang red cabbage ay maaaring magligtas sa iyo kung ikaw ay may karamdaman na maging ang mga doktor ay nahihirapang gamutin.

Simple lang, kumain ka ng pulang repolyo at ikaw ay maaaring gumaling.

Good luck!

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page