ni Nitz Miralles @Bida | August 20, 2024
Parehong pabirong inakusahan ng kani-kanyang kampo ng shading sa isa’t isa sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach dahil sa kanilang sinabi at post.
Sabi tuloy ng mga fans ng dalawa, dapat gayahin ng ibang celebrities ang teknik ng dalawang magagandang dilag na lagi na lang hinahanapan ng isyu ng mga fans ng kabila.
Gaya na lamang ni Heart, parang na-shade raw niya si Pia nang sabihin sa TikTok na sa kanya ang Bvlgari necklace na ipinasuot niya sa pet dog niyang si Panda.
“I own the necklace. I can do whatever I want. So, ‘di s’ya loan,” sabi ito ni Heart sa TikTok.
Salbahe ang mga netizens, inisip agad na pa-shade ni Heart ang salitang “loan” kay Pia na bilang endorser ng Bvlgari, ipinapasuot lang dito ang Bvlgari jewelry.
Sinilip din ang post ni Pia sa Instagram (IG) kasama ang asawang si Jeremy Jauncey. Sa kanyang caption, may nabanggit ang beauty queen na, “Excuse the cheese but I’m just so grateful to have a partner who lets me fly and reach for my goals.”
Pa-shade naman daw ni Pia kay Heart ang caption niya dahil sa pangalan ng husband nitong si Senate President Chiz Escudero. Magkatunog daw ang Chiz at cheese. ‘Kaloka, ‘di ba?
Ang sunod na pagkukumparahin ng mga fans ay ang cover ni Heart at ni Chiz ng August issue ng People Asia at ang August cover din ni Pia ng Vogue.
Hintayin natin kung ano ang mga isyu na bubuksan ng dalawang kampo dahil sabay na magazine cover sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.
MAY bardagulan sa Instagram (IG) account ng South Korean actor na si Kim Ji Soo dahil sa ipinost nitong reels ng scene nila ni Jillian Ward sa Abot Kamay Na Pangarap (AKNP).
Guest si Ji Soo at gagampanan ang role ng South Korean doctor na si Dr. Kim Young.
May nag-comment na nalulungkot siya na hindi Korean actors ang kasama ni Ji Soo dahil magagaling daw ang Korean actors kumpara sa Filipino actors. Hindi raw siya rude, sa lagay na ‘yun. Ayun, sinagot siya ng mga Pinoy at tinanong kung nakapanood na ng dramas from the Philippines?
Ang yabang pa ng basher sa sinabing British, Korean at French actors ang gusto niya at napanood niya ang reels ng eksena nina Ji Soo at Jillian para mag-criticize.
Kinantiyawan pa ang mga bashers ng Pinoy fan at sinabing, “But sorry, Ji Soo loves Filipinos. Bwahaha!” at sinundan pa ng, “Hey, Ji Soo chose Philippines, it means there is something about Filipinos that no other country has. Bwahahaha!”
Lalo pang mag-iingay ang mga fans ni Ji Soo kapag sa story ng AKNP ay nagkaroon sila ng love angle ni Jillian.
Sa teaser ay parang ganu’n ang mangyayari, kaya siguradong marami ang magre-react.
Sana lang, hindi ma-bash si Jillian dahil wala naman siyang kinalaman sa mga fans ni Kim Ji Soo na ayaw siyang magkaroon ng career sa bansa natin.
Paano ‘yan at may gagawin pa siyang pelikula at si Alexa Ilacad naman ang kanyang kasama? Sigurado rin na after AKNP, may mga next projects pa siya sa GMA-7.
Isa sa 2 nang-rape kay Sandro…
JOJO NONES, NAGSISINUNGALING DAW, IPINAKULONG NG MGA SENADOR
NAPANOOD namin ang video ng paglalakad ni Jojo Nones, isa sa dalawang akusado sa rape complaint ni Sandro Muhlach, habang dinadala sa custody ng Senado dahil daw sa pagsisinungaling.
“Nones was cited in contempt for allegedly lying during the hearing on sexual harassment in the entertainment industry,” sabi sa report.
Paulit-ulit daw na itinanggi ni Jojo ang alegasyon na nag-offer sila ng pera sa charitable institutions dahil sa ginawa nila kay Sandro, kaya pinaalis siya sa hearing at na-detain.
Sen. Jinggoy Estrada made the motion at si Sen. Robin Padilla ang nag-approve dito.
Sinamahan si Sandro ng ama niyang si Niño Muhlach na humarap sa Department of
Justice para magsampa ng rape through sexual assault.
Sabi ni Niño, “Parang nakaluwag-luwag sa dibdib dahil umabot na tayo sa araw na ‘to.”
Comments