top of page
Search
BULGAR

‘Di lang dahil refreshing at yummy… Pinya, oks na pampapayat at panlaban sa arthritis

ni Justine Daguno - @Life and Style | September 11, 2021




Habang tumatagal ay mas natututunan natin ang kahalagahan ng malusog na katawan. Sa patuloy na paglaganap ng pandemya, kailangan nating maging maingat at mapili, lalo na sa pagkain na ating kinokonsumo. Kaugnay nito, alam n’yo ba na isa sa mga ‘good fruit’ ay ang pinya? Bukod sa refreshing at masarap, kilala rin ito sa dami ng mabuting benepisyo na malaki ang naitutulong sa ating katawan, tulad ng mga sumusunod:

1. SIKSIK SA NUTRIENTS. Napakaraming bitamina ang pinya kung saan nagtataglay ito ng Vitamins A at K, phosphorus, zinc at calcium. Gayundin, mayaman ito sa Vitamin C at manganese, kung saan kaya nitong i-provide ang 76% ng nutrients na kailangan ng katawan kada araw nang sa gayun ay mas lumakas ang ating resistensiya.


2. MAYAMAN SA ANTIOXIDANTS. Hindi lamang mataas ang nutrient content ng pinya, ito rin ay nagtataglay ng antioxidants tulad ng flavonoids at phenolic acids. Ang antioxidants na ito ang siyang kailangan upang malabanan ang hindi magandang epekto ng stress sa katawan na madalas nagdudulot ng mahinang immune system.


3. PANLABAN SA ARTHRITIS. Ayon sa pag-aaral, mabisa ring panlaban sa arthritis ang pinya, kung saan nagtataglay ito ng bromelain, bitaminang nakatutulong upang maiwasan ang anumang uri ng pamamaga, kasama na ang pamamaga ng mga kasukasuan. Kaya naman, makabubuting maging regular ang pagkonsumo ng pinya para sa mga nakararanas ng short-term symptoms ng arthritis.


4. PAMPAPAYAT. Para sa mga kailangan o gustong magbawas ng timbang, oks din na isama sa inyong diet ang pinya. Ang malaking porsiyento ng pinya ay fiber na epektibong solusyon para mapadali ang pag-‘jebs’ o paglabas ng mga toxins at fats sa katawan. Pero tandaan na hindi maaaring pinya lamang ang ikokonsumo, maaari lamang itong isama sa diet plan kasama ng inirekomenda ng inyong nutrionist.

Tandaan na hindi kailangang maging mayaman o mapera para maging malusog, disiplina at tamang pagpili lamang ng mga kinokonsumo ang kailangan. Maging malusog pa sana tayong lahat, mga ka-BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page