ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 03, 2021
Legal na ngayon ang online sabong na nauuso at ginagawa kahit saan. Bawal pa kasi ang physical na pagsasabong dahil sa pag-iingat sa pagkalat ng COVID.
Hindi lang pangmayaman ang online sabong. Nakakahiligan na rin ito ng mga ordinaryong tao kahit na 'yung hindi mga sabungero. Malaki kasi ang napapanalunan dito kapag sinuwerte ang tumataya.
Kaya hindi na rin dapat pagtakhan na nakikita si Gretchen Barretto na humahawak ng panabong na manok. Malakihan ang pustahan-taya sa ganitong pagsasabong. Hindi na lamang libangan ng mayayaman ang sabong, negosyo na rin ito kung tutuusin. Wala namang ilegal sa online sabong dahil may buwis ito.
Well, marahil panay-panay ang panalo ni Gretchen Barretto sa sabong kaya naman nagawa niyang mag-share ng blessings at mamigay ng ayuda sa entertainment press.
Maraming natuwa at nagpasalamat sa ayuda ni La Greta. Malaking tulong na ang bigas at groceries na kanyang ipinamigay. Hindi nila inaasahan na makakaalala ang isang Gretchen Barretto sa press people kahit hindi na siya gaanong aktibo sa paggawa ng pelikula at paglabas sa telebisyon.
Napapa-SANA ALL na lang ang media sa kagandahang-loob ni Gretchen Barretto.
コメント