'Di lang ang pag-iingles ang nilait… SIGAW NG NETIZEN: BUHOK NI SARAH, MUKHANG TWEETY BIRD
- BULGAR
- Mar 9, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 9, 2024

Ginawaran kamakailan si Sarah Geronimo ng Global Force award ng Billboard Women In Music Awards at ikinatuwa ng mga netizens ang gesture niya nang i-shoutout ang inang si Divine Geronimo.
Sa interbyu, tinanong siya ng host na si Rania Aniftos, “What does that mean for you to have this impact on such a global scale?”
Sagot ni Sarah, "It means having that power to influence people, and it also comes (with) a big responsibility."
Dahil sa sagot ng Popstar, may mga pumuri sa kanya pero meron din namang mga nanlait.
Sey ng mga followers ng singer, “Lakas maka-Miss Universe ng interview.”
“Ito ‘yung sobrang nakakahanga sa babaeng ito. CONSISTENCY. Regardless sa gusot with Mommy Divine, nagpapakumbaba at never sumuko sa pagsuyo sa magulang.”
Sabi naman ng isa, “Sana nakikita ng mom niya na masaya ‘yung anak niya sa naging decision niya sa buhay.”
Biglang may sumingit at nagtanong, “Did she answer the questions? Parang nahilo ako sa sagot niya.”
Ipinagtanggol naman si Sarah ng kanyang mga fans, “Hindi lang siya sanay. Iba rin kasi kapag nasa foreign stage ka na, and 'di mo maipasok ang makabagbag-damdamin mong Tagalog na sagot or mga banter (banat). Hayaan mo na. She did the best she could.”
Ito pa ang ilan sa mga bangayan ng mga netizens at fans ni Sarah dahil sa naging sagot niya sa interbyu:
“Jusko, nagkalat pa sa ibang bansa. Sana, tinuruan ni Matteo bago isinalang.”
“Hindi naman siya nagkalat. Feeling mo lang siguro 'yun.”
“Sarah is truly a good daughter despite everything that has happened.”
“'Di siya sanay mag-English at obvious na kabado siya. Pero ok lang 'yan, Sarah.”
“Bakit ‘di siya marunong sumagot nang maayos? Sinabihan siyang talented, tapos ibinalik niya patanong pa. Tapos ‘tong women empowerment question, eh, men ang pinuri niya.”
May nabasa pa kami na pinupuna ang kanyang buhok, “Nakaka-bother ang buhok ni Sarah, mukha siyang matrona.”
“Parang ‘di natapos sa salon si Sarah."
“Ok siya at nakaka-proud, pero jusko, Lord, ang buhok, nagmukhang Tweety Bird.”
Komento naman ng ilang netizens, sana ay haplusin ni God ang nanay ni Sarah at maging okay na ang mag-ina.
Comments