top of page
Search

‘Di lang aktres, singer-performer din… SARAH, MAS MAY ‘K’ DAW MAG-JUDGE NG PGT KESA KAY KATHRYN

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 2, 2025



Photo: Kathryn at Sarah - Instagram, PGT


Nagprotesta ang mga fans ni Sarah Geronimo dahil hindi nakasama ang Popstar bilang isa sa mga hurado sa talent search show na Pilipinas Got Talent (PGT), sa halip ay pumasok at napili si Kathryn Bernardo.


Ayon sa mga Popsters (fans ni Sarah), may karapatan daw na maging hurado ang misis ni Matteo Guidicelli. Bukod kasi sa galing niya bilang singer-performer, mahusay din siyang artista. Karapat-dapat siyang humilera kina Mr. FMG, Eugene Domingo at Donny Pangilinan bilang mga judges sa PGT.


Well, wala namang reaksiyon si Sarah, at hindi isyu sa kanya kung hindi man siya kinuhang judge sa PGT. Marami naman siyang pinagkakaabalahan, at ine-enjoy muna niya ang stress-free na buhay sa piling ng kanyang mister. 


Request lang ng mga loyal Popsters, kahit man lang sa telebisyon ay magbalik si Sarah Geronimo o kaya ay magkaroon sila ng reunion movie ni John Lloyd Cruz.


 

KUNG si Sen. Bong Revilla, Jr. ay kilala ng lahat sa kanyang character sa Panday at Alyas Pogi, at nagmarka rin siya sa bansag na “Agimat” dahil marami siyang nagawang pelikula na may taglay na agimat, ibang-iba naman ang impact kay Sen. Lito Lapid ng kanyang character sa Batang Quiapo (BQ) bilang si Supremo. 


Tumatak ito sa milyun-milyong viewers ng BQ. Kaya naman ang bansag ngayon kay Sen. Lito ay Supremo ng Senado. At kahit saan siya magpunta sa campaign rallies ay Supremo na ang tawag sa kanya ng lahat. 


Bumalik ang sigla ng career ni Sen. Lito Lapid nang dahil sa Ang Probinsyano (AP) at Batang Quiapo (BQ). Nanumbalik ang kanyang charisma sa masang Pinoy. Kaya naman malaking factor ito sa kanyang pag-iikot upang mangampanya. Pinagkakaguluhan si Sen. Lapid nang magtungo siya sa South Cotabato, Sarangani at mga karatig-lalawigan.

Dumalo siya sa Kalilangan Festival. Kasama niya sa pag-iikot si Sen. Manny Pacquiao at Sarangani Mayor Roel Pacquiao. 


Samantala, isinusulong ni Sen. Lito Lapid sa Senado na gawing Culinary Capital ng Pilipinas ang lalawigan ng Pampanga. At suportado naman siya ng mga kaalyadong senador. Pirma na lamang ni Pangulong BBM ang hinihintay.


 

UMERE na ang last episode ng Dear SV noong Sabado, March 1. Halos tatlong taon ding napanood sa GMA Network ang public service program ng businessman/host na si Sam Verzosa. Mainit itong tinanggap ng mga viewers. 


Marami silang natulungan at nabigyan ng kabuhayan, tulong-pinansiyal at medical. 

Pero, dahil sa pagtakbo ni Sam Verzosa bilang mayor ng Maynila, kailangan nang mawala ang Dear SV. Gayunpaman, ang papalit naman sa iniwang slot ng Dear SV ay ang show ng nobya niyang si Rhian Ramos, ang Where in Manila na eere na sa March 8, 11:30 PM sa GMA-7. 


Ang Where in Manila ay isang lifestyle and travel show. Dito ay itatampok ang iba’t ibang magagandang lugar sa lungsod ng Maynila at ganoon din ang mga pagkain na specialty ng bawat lugar. At dahil foodie rin si Rhian, tiyak na mag-e-enjoy siya sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa Maynila upang matikman ang mga kakaibang pagkain at putahe. 


Sosyal man ang hitsura ni Rhian, mahilig siya sa mga street food tulad ng isaw, betamax, adidas, fishball atbp..


Ngayon, ang pagbe-bake ng cookies ang isa sa mga pinagkakaabalahan ni Rhian at ginawa niyang negosyo. Tinawag siyang Sexiest Baker, dahil nakasuot siya ng sexy bikini habang nagbe-bake ng cookies.


Gusto rin ni Rhian na mag-bake ng banana loaf. Suportado naman si Rhian ng BF niyang si Sam Verzosa sa bago niyang business na Bas Bake at ganoon din sa bago niyang show na Where in Manila. Katunayan, noong launching ng show sa Winford Hotel ay sinorpresa si Rhian Ramos ni Sam Verzosa na dumating sa venue.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page