top of page
Search
BULGAR

‘Di kaya ng budget ang luho?... Budgeting tips upang maging wais

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | June 24, 2023



Kahit na komportable ka sa iyong kasalukuyang suweldo, tiyak ay may mga gusto ka pa ring bilhin na hindi kaya ng iyong ‘monthly take-home pay.’ Maaaring ito ay isang necessity, tulad ng home upgrade, o luxury purchase tulad ng bags na talagang pinapangarap mo. Ang point ay, huwag kang mag-worry o ma-guilty sa kung ano ang gusto mong gastusin sa pinaghirapan mong pera, basta ikaw ay nagplano para rito.

Reminder lang na naka-focus ito sa mga gastusin na makakapaghintay, ibig sabihin ay hindi kasama ang mga emergency shell-outs. Kung ikaw ay may oras para i-build ang iyong luho, narito ang mga bagay na dapat mong iwasan:

  • KUNG IKAW AY NAGBABAYAD NG CASH, TINGNAN ANG IYONG BUDGET. Kapag dumating na ang iyong suweldo, i-review mo ang iyong priorities at maglaan ng budget para ro’n. Siyempre dapat ang pinakauna sa list mo ay ang iyong savings at emergency funds, sunod naman ay ang rent utilities, pagkain, transportation, credit card bills, loans, etc. Pagkatapos ay tingnan kung ano ang matitira na maaari mong itabi para sa pinaplano mong bilhin. Mula rito, maaari mong tantsahin kung gaano kalaki ang maaari mong itabi.

  • MAGKAROON NG TARGET DATE PARA SA IYONG PURCHASE. Ibig sabihin, kailangan mong maging consistent para sa pagbadyet ng iyong paparating na gastusin. At kung magkaroon ka ng unexpected ‘windfall’ o bigla kang magkaroon ng pera na hindi mo naman inaasahan ay maaari mo itong idagdag sa iyong ipon upang mas mabilis mong mabili ang iyong nais.

  • BE PATIENT. Remember, ito ay isang gastusin na makakapaghintay, or at the very least, maaari itong madelay ng ilang buwan. Kaya huwag kang magtangka na galawin ang iyong emergency funds dahil lang sa gusto mong makuha o mabili ang gusto mo. Maaaring mabagal ang proseso ng pag-iipon, ngunit isipin mo na lang na ito ay parang normal lang na gawain – gawin mo, tapos kalimutan mo. After all, kung pinaplano mo ito ng tama, hindi sasakit ang bulsa mo. Galawin mo lang ang iyong emergency funds kung hindi na makapaghintay ang iyong mga gastusin, at make sure na papalitan mo ito pagtapos mong galawin.

  • KUNG GUMAGAMIT KA NG CREDIT CARD. ‘Ika nga, ‘swipe with a plan.’ Gamit ang iyong credit card, madali mo lang makukuha ang produkto o serbisyong gusto mo, pero bago ka pumili ng option, una ay dapat magkaroon ka ng plano kung paano mo mababayaran ang iyong na-swipe. Ang pinakabest na gawin ay kunin ito sa zero percent interest sa loob ng 6, 12 o 24 months, at i-check kung kaya mong bayaran ang monthly fees nang hindi nakakaramdam ng guilty. Meron ding mga bangko na ‘buy now, pay later’ scheme na magbibigay sayo ng lead time para kolektahin ang iyong ipon.

Kaya besh, ang bottom line rito ay maging wais. Ito ang susi upang ma-enjoy mo ang iyong suweldo, at alamin mo ang iyong priorities. Be responsible, okie?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page