top of page
Search
  • BULGAR

‘Di ginawa kay Janine, Paulo… LJ, NAG-FOLLOW KAY KIM SA IG, BET DAW MAGING STEPMOM NG ANAK

ni Nitz Miralles @Bida  | August 12, 2024



Showbiz News
Photo: Kim Chiu, Paulo Avelino at LJ Reyes at Aki - Chad Vidanes / LJ Reyes

Naniniwala ang KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino) fans na may something special na kina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil sa pagpa-follow ni LJ Reyes (mom of Paulo’s son, Aki) kay Kim sa Instagram (IG) nito. Ibig sabihin daw, naniniwala si LJ na her son is in good hands kapag naging stepmom niya si Kim.


Naniniwala rin ang KimPau fans na isinama ni Paulo si Kim sa New York nang bisitahin nito si Aki, hindi lang daw nagpakita ang aktres. Wala ring pictures na magkakasama sila nina Paulo at Aki bilang respeto sa mag-ama at sa kanilang bonding time. Baka raw for private na ang photos ni Kim with Paulo at Aki.


Dahil magkasama nga raw sina Paulo at Kim nang bisitahin ng aktor ang anak, ibig sabihin, ipinakilala na ni Paulo si Kim kay Aki. 


Baka raw naikuwento ni Aki sa mom niya ang pagkikita nila ni Kim, kaya nag-follow na si LJ kay Kim.


Ang laki rin ng tuwa at nadoble ang kilig ng KimPau nang i-follow back ni Kim si LJ. Silang dalawa na raw ang magbabalitaan tungkol kay Aki dahil hindi pina-follow nina LJ at Paulo ang isa’t isa.


Nai-share ng mga fans na kay Kim lang ito ginawa ni LJ sa mga na-link kay Paulo dahil hindi niya ito ginawa kay Janine Gutierrez. 


Ang next na inaabangan ng KimPau fans ay kung magla-like at magko-comment sa kani-kanyang post sina LJ Reyes at Kim Chiu. Pangako ng isang KimPau fan, kapag nangyari ito, sasabog ang kanilang mga puso sa tuwa.


 

MAGSASAMA ba uli sa concert sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion? May nag-comment kasi sa comment box ni Sharon na nakabili na siya ng ticket para sa Dear Heart concert sa Thunder Valley Casino for November 15, 2024.


May mga sumunod na nag-comment na nakabili na rin sila ng ticket at may nag-comment pa na marami silang manonood sa concert. May humingi naman ng details tungkol sa concert, gaya ng saan makakabili.


Ang alam namin, sina Sharon at Gabby ang magkasama sa Dear Heart concert, nanood pa nga kami sa MOA Arena. Dapat may repeat ang concert na hindi na natuloy for some reasons. Tapos, heto ang balitang may Dear Heart concert sa Lincoln, California raw.


Nag-post kasi si Sharon ng, “A little birdie told me that I am going to do a concert tour in North America this Fall and I won’t be alone this time. Hmmm... I have a contract, should I sign it already? Comment below!”


Ang comment ng mga fans, pumirma na siya ng kontrata para matuloy ang concert na marami ang naghihintay. Hindi naman siguro magkakaroon ng conflict ang schedule ni Sharon Cuneta dahil may series siyang gagawin sa ABS-CBN. Magsisimula na yata ang taping ng Saving Grace series na magkasama sila ni Julia Montes.


 

ANG ganda ng reels na ipinost ni Jennylyn Mercado, sama-samang nag-malling sina Jazz, Calix at Dylan at ang maganda, sina Calix at Jazz ang may hawak kay Dylan. Short lang ang caption ni Jennylyn sa kanyang post na, “It’s always better together with my loves.”


Ang suwerte nila ni Dennis Trillo na magkasundo sina Calix at Jazz at madalas silang magkasama sa mga lakad. Sa pagdating ni Dylan, tatlo na ang mga anak nina Dennis at Jennylyn na laging magkakasama.


Nabanggit ni Jen sa launching niya as Beautederm endorser na wala silang problema ni Dennis kina Calix at Jazz at mahal ng dalawa ang sister nila. May isa pang reels na nasa swing sina Jazz at Dylan.


Anyway, hinihintay ng mga fans ni Jen kung kailan siya magre-renew ng kontrata sa GMA Network. Nakapirma na si Heart Evangelista, pumirma na rin si Carla Abellana at magre-renew din yata si Marian Rivera, kailan naman daw si Jennylyn Mercado?


Sana, kapag may kontrata na sa Kapuso ang aktres, bigyan agad siya ng project at request ng mga fans, sana ay mala-Rhodora X na series.


As for Dennis Trillo, mapapanood na siya sa Pulang Araw, lalabas na ang karakter niyang ruthless Japanese official na si Yuta Saitoh. 


First kontrabida role ito ng aktor, matagal niyang pinangarap, kaya sigurado tayong hindi niya sasayangin ang chance to portray the main villain in the said historical drama series.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page