top of page
Search
BULGAR

'Di galing sa Bulkang Taal... Smog sa M. Mla., polusyon

ni BRT @News | September 23, 2023




Usok umano mula sa mga sasakyan ang smog na na-monitor sa Metro Manila at hindi mula sa volcanic fog o "vog" ng Bulkang Taal, na maliit lang ang magiging epekto sa rehiyon, ayon sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.


“It may be inferred that the smog may be primarily attributed to emissions from heavy vehicular traffic especially during rush hour,” pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa inilabas na Taal Volcano Air Quality Monitoring report, kahapon ng umaga.


Sinabi naman ng Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR na posibleng nagkaroon ng “thermal inversion” na nangyayari kapag nasa ilalim ng malamig na hangin ang mainit na hangin. Dahil dito, mistulang naiipit malapit sa lupa at hindi makataas ang polusyon sa hangin.


Ganito rin ang paliwanag ni PAGASA weather forecaster Rhea Torres sa isang panayam.


“So normally, or during normal occurrences, mas mainit po talaga ‘yung temperatura ng surface as compared sa hangin. Pero ‘yun nga po, dito pumapasok ‘yung inversion part,” ani Torres.


“Nagkapalit po sila ng temperatura. Ang nangyari, ‘yung surface naman po ‘yung mas malamig compared sa hangin,” dagdag niya.


Sa panayam naman kay Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division head Mariton Bornas ng PHIVOLCS, hindi umano lubusang maiuugnay sa smog ng Taal ang smog na nasa Metro Manila.


Gayunman, hindi inaalis ng opisyal ang posibilidad na baka makaapekto ang vog sa NCR hanggang sa Sabado dahil sa volcanic fog na dulot ng aktibidad ng Bulkang Taal.



0 comments

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page