top of page
Search

'Di buhay-reyna… NADINE, NAGTINDA NG TUYO KAHIT SUPER RICH NG MISTER

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 29, 2023


Maganda pa rin si Nadine Samonte kahit may asawa at dalawang anak na. Nang magpakasal siya sa unico hijo ng aktres na si Isabel Rivas ay tumigil muna si Nadine sa pag-aartista at ibinuhos ang panahon sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.


Ganunpaman, nagnenegosyo siya at nagtitinda ng tuyo at iba pang dried fish.


Napakasipag ni Nadine dahil kahit may kaya ang kanyang mister ay hindi siya nagbubuhay-reyna. Kumikilos pa rin siya upang kumita sa pagnenegosyo.


Kaya naman, bilib na bilib sa kanya ang kanyang mother-in-law na si Isabel Rivas.


Matatandaang si Isabel mismo ang nagpakilala noon at nagreto kay Nadine sa kanyang anak na si Richard Chua.


Nagustuhan ni Isabel ang ugali ni Nadine nang magkasama sila sa isang serye.


Ngayong hindi na alagain ang dalawang anak ni Nadine ay naisip niyang muling balikan ang kanyang showbiz career at may blessing ito ng mister niya.


Nataon na may offer na serye sa kanya ang GMA-7 at isa siya sa mga lead cast ng The Missing Husband na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi at Rocco Nacino.


Para sa mga ‘di nakakaalam, isa si Nadine sa mga grand finalists noon ng StarStruck Season 1 kung saan si Jennylyn Mercado ang i

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page