top of page
Search
  • BULGAR

‘Di binigyan ng popcorn… MISTER NI JOLINA, NA-BAD TRIP SA CASHIER NG SINEHAN

ni Beth Gelena @Bulgary  | June 21, 2024



Bea Alozo - Dominic Roque

Nawindang si Mark Escueta sa lalaking cashier nang manood sila ng pelikula ni Jolina Magdangal kasama ang dalawang anak nila.


Sa Instagram (IG) ni Mark, ibinahagi niya ang naranasan nang manood silang mag-anak ng movie na Inside Out 2


Ani Mark, maganda umano ang movie na maging ang anak nila ni Jolens ay nag-enjoy at nagustuhan ang palabas and at the same time, the adults also learned something.


Nabaling lang ang kanyang pansin sa lalaking cashier na nagpakita umano ng kagaspangang-asal nang bumibili siya ng popcorn. 


Kuwento ni Mark, “Ganda rin ng Inside Out 2! Nanood kami nu’ng Sabado. Tulad nu’ng unang movie, mag-e-enjoy ang mga bata pero matindi rin ang tama sa magulang. Nawala ‘yung inis ko du’n sa lalaking cashier na nagbibigay ng popcorn sa U.P. Town Center Cinema, inabot kasi ng start ng movie kaya ako na lang ang pumila para sa aming apat. 

“Nasa akin ‘yung stubs ng popcorn pero movie ticket ko lang hawak ko kasi nga nauna nang pumasok sina Jolina at mga bata. Dahil du’n, ‘di raw niya ako puwedeng bigyan ng popcorn at drinks, kailangan daw may ticket din. Ipinaliwanag ko na nag-start na ‘yung movie kaya ‘di ko hawak ang ibang tickets, pero ‘di pa rin daw puwede. 


“Okey lang naman, policy nila ‘yan na dapat lang sundin natin. Nakiusap ako kung puwede kong idaan sa kanya ‘yung tickets after ng movie pero ‘di pa rin siya pumayag kasi may nagsabi na raw dati n’yan pero ‘di na raw bumalik (in a manner na hindi naman pang-Ayala Malls). Galing, ‘di ba? ‘Di na lang sinabi na ‘Sir, sinungaling ka eh.’ Anyway, dahil 10 minutes late na ako sa movie, sabi ko, ‘di bale na lang, buti na lang talaga, maganda ‘yung movie at nag-enjoy talaga kami. Thank you Lord.”


 

IBANG klase talaga itong si Alex Gonzaga kapag gumawa ng content, ang lawak ng kanyang pag-iisip. 


Imagine, ang dalawang celebrity politicians-couple na sina Mayor Lucy Torres at Congressman Richard Gomez naman ang kanyang binulabog para sa kanyang vlog? 


Isang family picture ang naka-upload sa kanyang Instagram (IG) page at sinulatan ng caption na: “Ako na nag-adjust at gumawa ng cover to feature myself and my new family as Alex G (Gomez).”


Sa ibaba ng cover photo ay may nakalagay na, “Gomez Family and their only heir.”


Sinabihan pa niya ang unica hija ng celebrity couple na si Juliana. 


“Ikaw na muna kina Pinty at Bonoy @gomezjuliana.”


Natawa si Juliana sa tinuran ni Alex, lalo pa’t tinanong siya nito ng,


“@gomezjuliana Sis, kailan ka na lilipat sa Taytay? Waiting na sila sa 'yo du’n.”


Sagot ni Juliana, “OTW (on the way) na.”


Sey ng mga commenters, ang bilis naman daw palang kausap ni Juliana.


Ang avid follower-beshie ni Alex na si Luis Manzano ay hindi na naman nakapagpigil na magkomento.


Aniya, “Nalulungkot ako para sa kanila, sinira mo ang buhay nila.”


May buwelta naman si Alex, “Hahaha, ah, parang ikaw lang kina Jessy at Peanut.”


Si Heart Evangelista na busy sa bago niyang tungkulin bilang First Lady ng Senado ay nagkomento rin, “Hahahaha! Wait lang! Nakakatawa.”


Sey ng mga netizens… 


“Hahaha, si Alex pa? Ikaw daw ang susunod, Heart.”


“New heredera ni Ms. Lucy Torres and Sir Richard Gomez.”


 

KINAALIWAN ang ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa bonding moment nila kasama ang bagong apo na si Baby Phineas.


Ibinahagi ni Pops sa kanyang Instagram (IG) page ang pagkikita nila ni Baby Phineas na anak ni Robin Nievera sa partner na si Mian Acoba. Kitang-kita naman si Martin na tuwang-tuwa sa pakikipaglaro at pagpapasaya kay Baby Phineas sa kanilang bonding time. 


Ani Pops, “They speak the same language Lilo and Lolli with Finn... #pricelessmoments.”

Ito ang unang pagkakataon na nakasama nang personal ni Concert Queen ang kanyang apo. 


Nagbahagi ng mga nakakaaliw na video si Pops kung saan makikitang yakap-yakap niya ang apo.

   

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page