top of page
Search
BULGAR

Desisyon ng anak na pumili ng apelyidong gagamitin, sa ama o ina

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 16, 2023


Dear Chief Acosta,


Ikinasal ako sa ama ng aking anak, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay iniwan niya ako bago ko pa maisilang ang aming anak. Alam kong nakaugalian na sa atin ang paggamit ng apelyido ng ama sa pagbibigay ng pangalan sa anak, ngunit iniwan naman kaming mag-ina ng aking asawa. Maaari ko bang ipagamit sa aking anak ang aking apelyido sa halip na ang apelyido ng kanyang ama? - Telmarie


Dear Telmarie,


Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “Anacleto Ballaho Alanos II, vs. Court of Appeals, et.al.” (G.R. No. 216426, 11 November 2020), na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Marvic Mario Victor F. Leonen, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:


“In turn, Article 364 of the Civil Code provides:


ARTICLE 364. Legitimate and legitimated shall principally use the surname of the father.

The Regional Trial Court’s application of Article 364 of the Civil Code is incorrect. Indeed, the provision states that legitimate children shall “principally” use the surname of the father, but “principally” does not mean “exclusively.” This gives ample room to incorporate into Article 364 the State policy of ensuring the fundamental equality of women and men before the law, and no discernible reason to ignore it. This Court has explicitly recognized such interpretation in Alfon v. Republic.


The only reason why the lower court denied the petitioner’s prayer to change her surname is that as legitimate child of Filomeno Duterte and Estrella Alfon she should principally use the surname of her father invoking Art. 364 of the Civil Code. But the word “principally” as used in the codal-provision is not equivalent to “exclusively” so that there is no legal obstacle if a legitimate or legitimated child should choose to use the surname of its mother to which it is equally entitled.”


Nakasaad sa Artikulo 364 ng New Civil Code na ang lehitimo o legitimated na anak ay pangunahing (principally) dapat gumamit ng apelyido ng kanyang ama. Gayunpaman, binigyang-linaw sa nabanggit na desisyon na ang salitang “pangunahin” na ginamit sa nasabing artikulo ay hindi katumbas ng “eksklusibo” kaya walang legal na balakid kung ang isang lehitimo o legitimated na anak ay gagamit o pagagamitin din ng apelyido ng kanyang ina, na itinuturing din na karapatan ng bata.

Batay sa nabanggit na desisyon, maaaring gamitin ng iyong anak ang iyong apelyido sa halip na apelyido ng kanyang ama dahil may karapatan siyang gamitin ang apelyido ng alinman sa kanyang mga magulang. Gayunpaman, kailangang tandaan na ang karapatang pumili ng apelyido ay ibinibigay sa anak, at hindi sa kanyang mga magulang.


Kaya naman, ang iyong anak ang siya mismong magdedesisyon kung sakaling hindi niya gustong gamitin ang apelyido ng kanyang ama.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page