ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | November 2, 2022
Natawa lang nang malakas si Derrick Monasterio sa Q&A portion ng Return To Paradise Zoom virtual presscon when asked by yours truly kung pinapangarap pa ba niyang makagawa ng TV serye with his ex-labs na si Maine Mendoza bago ikasal ang huli sa boyfriend nitong si Arjo Atayde, now congressman sa kanilang distrito sa Kyusi.
"Ex-labs? Hahahaha!" ang bigay-todong tawa lang na sagot nitong si Derrick na tipong iwas na iwas pag-usapan pa ang nakaraan nila ni Maine.
Kunsabagay, naka-move-on na silang pareho at kung meron nang Arjo Atayde si Maine Mendoza, we heard na meron namang beauty queen na sinisinta at iniirog (oh, ha, lalim ng tegeylog, devah?
Insert smiley, ☺) si Derrick Monasterio.
Well, ganu'n talaga! If it is not meant for you, not meant talaga, sa true lang.
At tipong may chemistry sila ng love tandem niyang si Elle Villanueva sa Return To Paradise, ha! Wish nga nilang pareho na magkaroon agad sila ng TV serye na sila uli ang pair.
When asked kung na-intimidate ba sila sa mga veteran co-stars nila sa said Kapuso serye like Eula Valdez, Teresa Loyzaga, at iba pa, ang unang sumagot ay si Elle that goes...
"May ways kasi sina Ms. Teresa at Ms. Eula kahit off-cam. 'Yun nga, pero hindi nila kami pinababayaan at full support pa rin sila kapag kaeksena namin sila.
"Kumbaga, tinutulungan nila kami sa tuwing kaeksena namin sila. Hindi nila ipinamumukha sa amin na mga veterans sila kahit ang galing-galing nila. Pero minsan, nai-intimidate rin ako dahil nga sa husay nilang umarte sa bawat eksena namin sa Return To Paradise."
"Ako, hindi nai-intimidate kay Ms. Teresa Loyzaga kasi kamukha siya ni Mama ko (referring to former actress Tina Monasterio). Pareho kasi silang mukhang Espanyol, eh. So, sa mga eksena namin dito sa Return To Paradise, iniisip ko na lang na mama ko siya talaga. Kaya mas madali para sa akin ang makaeksena siya kasi nga, parang totoong-totoo 'yung emotions na nararamdaman ko.
"Kay Ms. Eula, na-intimidate ako sa umpisa kasi bata pa ako, primetime big star na siya.
Kaya parang feeling ko, sino ba naman ako para makipagkumpitensiya sa acting niya? Pero habang tumatagal ang taping namin, nagkakaroon na ako ng kumpiyansa sa sarili working with her. Lalo na bago mag-taping, nagtatawanan muna kami lahat at panay ang biruan naming lahat sa set," katwiran ni Derrick M.
O, siya, huwag palampasin ang huling linggo ng Return To Paradise sa Kapuso Network mula Lunes hanggang Biyernes nang hapon.
Kommentare