ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 23, 2025
Photo: Derrick Monasterio - IG - Bench Body of Work
Pagkatapos mag-viral ang pagbibigay ng flowers ni Mark Herras sa businessman-singer na si Jojo Mendrez, ang pagbibigay naman ng bulaklak ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio sa Frontrow CEO-actor at LGBT advocate na si RS Francisco ang pinag-uusapan.
Nangyari ito matapos rumampa ni Derrick sa Bench Body of Work fashion show sa SM MOA Arena nu’ng Friday night kung saan nasa gilid ng runway si RS at siya ang napiling abutan-sabitan ng bulaklak sa leeg ng Kapuso actor.
Wala namang nagawa si RS kundi ngumiti at tanggapin ang bulaklak.
Sa ngayon ay unti-unti nang pinag-uusapan ang nakakaaliw na video footage nina Derrick at RS.
Nananatili namang tikom ang bibig ni RS ukol dito bagama’t may nakakapansin na iba ang ngiti niya ngayon — matamis at malambot.
BINIGYAN ng surprise birthday party ni Coco Martin ang long-time girlfriend na si Julia Montes na nag-celebrate ng kanyang 30th birthday kamakailan.
Ang daming kinilig nang abutan ni Coco ng bouquet of red roses ang Kapamilya actress.
Sa TikTok video na ipinost ng @thecocojularchive ay agad na nag-viral ang birthday celebration ng aktres.
Naka-yellow off-shoulder dress si Julia nang dumating sa venue. Kumanta ng “Happy Birthday” ang mga invited guests nang salubungin ni Coco na may dalang flowers ang GF. Hinalikan niya ito sa noo pag-abot ng flowers kay Julia.
Ang daming na-touch sa ginawang paghalik ng actor sa girlfriend.
Komento ng mga netizens:
“Napa-sana all ako du’n sa forehead kiss, jusko!”
“She looks like Belle from Beauty and The Beast du’n sa dress niya, super-ganda pa rin ni Julia, grabe.”
“Aawww, I’m so happy to see Julia loved so much like this.”
“Nakakakilig talaga silang dalawa. Sana, magka-project ulit silang dalawa sa future.”
Ang daming pinahanga nina Coco Martin at Julia Montes na kahit high-profile celebrities sila ay name-maintain nila ang tahimik na relasyon sa likod ng camera.
Tikom ang bibig na engaged na, buking sa cellphone… MARCO, “FIANCEE” NA SI HEAVEN
MAY mga sitsit na kumakalat ngayon sa social media tungkol sa MarVen (Marco Gallo-Heaven Peralejo) couple.
Nagtatanong ang mga netizens, “Are Heaven Peralejo and Marco Gallo engaged?”
May rumors kasing kumakalat na engaged na secretly ang dalawa. May uploaded na compilation video calls si Marco kay Heaven nu’ng nasa malayo ang aktor.
Napansin ng mga netizens na ang name ni Heaven sa phone ni Marco ay “Fiancee” with a red heart emoji.
Itinanong naman ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz ang tungkol dito.
Ayon sa actress, ‘yun ang kanilang term of endearment sa isa’t isa.
Sa isang panayam ay natanong ang celebrity couple ng kanilang dream wedding proposal. Heaven said to Marco, “Mahal, ikuwento mo na sa kanila pa’no.”
May nagtanong din kung tapos na ang proposal. Natawa si Heaven at aniya, “Tapos na,” sabay sabing “Charot lang.”
Then, the actress said that it does not matter to her where the proposal will happen even if it is just in front of a Thai restaurant.
Esplika naman ni Marco, “Tapos sabi ko, ‘Mahal, pa’no ‘pag hindi ako yumaman? Pa’no kapag hindi kita kayang suportahan? Pa’no kapag ‘di matutupad ‘yung mga pangarap natin? Kung sakto lang ‘yung kita ko at hindi ko makuha ‘yung magandang ring or basta magandang singsing. Kahit ganito ba, ia-accept mo?”
Kasunod nu’n, gumawa si Marco ng singsing mula sa dahon ng saging sa kinain nilang Thai food at iniabot kay Heaven.
Ani Heaven, “So, ‘yun, du’n ko nalaman na s’ya na nga pala.”
Kinilig si Marco sa sinabi ng girlfriend.
At sa tanong kung engaged na nga ba sila, pakli ni Heaven, “Pa’no ba natin sasagutin? Basta alam mo ‘yun? Mahal namin ang isa’t isa. ‘Yun lang po ‘yun. And you know, if we have any news or like... sasabihan namin kayo.”
Commentaires