ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 26, 2020
Ayan na, nilinaw na ni Derek Ramsay sa mga naka-misinterpret na sa bahay na niya nakatira ang seksing GF na si Andrea Torres at nagli-live-in na raw sila na hindi ito totoo.
Sa isang vlog kasi ni Derek kung saan ipinakita nila ni Andrea ang bagong mansiyon ng aktor, nabanggit ng una ang "our home," kaya ang malikot na isip ng madlang pipol ay nag-wan plus wan na magkasama na nga sila sa bahay.
Sa isang panayam kay Derek sa 24-Oras, aniya, “I’ve opened up my doors because they are now part of my family. That’s why I say it’s our house.”
Aba, ang bongga naman, welcome na rin pala ang pamilya ni Andrea sa new house ni Derek.
Pag-amin din ni Derek, marami ang nabago sa mga plano niya sa design ng bahay dahil nu'ng inumpisahan niyang ipagawa ito ay iba pa ang kanyang karelasyon, pero ngayon, si Andrea na raw ang nakikita niyang kanyang future at gusto niyang itira sa kanyang bagong pagkaganda-gandang mansiyon!
“It was in the middle of the whole process na ginagawa ko itong bahay na ito. There were lots of things that were changed because she was in my life now. This is for my future. This is for our future. Itodo na natin ito,” sabi pa ni Derek na tiyak na ikinahaba ng buhok ni Andrea, wa' kiyems!
Comments