ni Julie Bonifacio @Winner | March 8, 2024
Photo: Yce Navarro / FB
Masayang nagpaunlak ng eksklusibong interbyu sa amin si Yce Navarro sa launch ng Mamu Bebu beauty and personal care products store sa ginanap na Mama Expo sa Megatrade Hall, SM Megamall last Sunday.
First time kasi ulit naming magkita ni Yce after nu’ng first exclusive interview namin sa kanya couple of years ago. Du’n ay sinabi niya sa amin na papasok na rin siya ng showbiz gaya ng kanyang mga magulang na sina Bianca Lapus at It’s Showtime host na si Vhong Navarro.
Pero, bago pa man tuluyang nakapasok sa showbiz si Yce, muli namang nabuksan ang kasong isinampa kay Vhong sa korte, kaya natiklop ang pangarap ni Yce na pag-aartista.
Until early this year, napasama si Yce sa mga bagong mukha sa hit Kapamilya action series ni Coco Martin, ang FPJ’s Batang Quiapo.
“Opo,” ngiti ni Yce. "Sabi ko po, parang hindi na matutupad ang pangarap ko na maging artista.”
Pagkatapos niyang mag-decide na mag-artista, nag-audition si Yce sa iba’t ibang stations.
“Tapos po, na-reject ako. So uh, nu’ng last year, nag-decide po ako na give-up na lang ako. Kaya may ano na po ako noon, eh, may trabaho na po ako.
“Sumasama po ako sa production team ng tito ko. Tapos, sabi ko, kuha na lang din ako ng stable job, sa office po. Tapos, after several months, tumawag po si Kuya Coco, si Direk Coco (Martin) po.
“Akala ko po, joke lang. Kasi ‘yung nagsabi po sa akin, ‘yung dad lo. Kasi wala po akong contact. So, nu’ng sinabi sa akin, akala ko, joke lang.
“So, tuloy pa rin ako sa pag-send po ng mga resumè. Then, nu’ng nag-meeting na kami nina Direk Coco at saka ‘yung ibang bagong artista, doon pa lang nagsi-sink-in,” mahabang salaysay ni Yce.
Inamin din ni Yce na nalungkot at na-depressed siya bago nakuha sa Batang Quiapo (BQ).
“Uh, nag-therapy po ako,” masayang sabi ni Yce.
“Nag-therapy po. Nag-gamot din. Pero, okay naman po kasi parang tinatanggap ko na rin, baka hindi para sa akin ang pag-aartista.”
Nakasama na rin daw sa depresyon niya ang nangyari kay Vhong.
Pag-amin ni Yce, “Opo, kasama na rin po ‘yun. ‘Yun din po ‘yung namatay ‘yung kapatid ko, stillborn (child) po ‘yung kapatid ko, saka 'yung lolo ko. Sabay-sabay pong nangyayari. Siyempre, heartbreaking din po na makita ang mom ko na ganoon ang na-experience niya.”
Hindi raw alam ni Yce kung saan siya humuhugot ng lakas para malampasan ang kanyang depresyon.
Sagot ni Yce, “Siguro po, kay God. Saka siyempre, sa mom ko, kasi malakas na tao ‘yan, eh. Daming pinagdaanan niyan.
“So parang nu’ng nag-i-stay strong siya para sa amin, para sa mga anak niya, para sa ibang mga kapatid ko, parang doon ko na rin po nakuha ‘yung lakas ng loob ko.”
Accidentally, birthday din ni Bianca Lapus nu’ng araw na nakausap namin si Yce sa Mamu Bebu stall sa Megatrade Hall.
“Wish ko sa mama ko, maging successful ang Mamu Bebu at lahat ng business niya,” dasal ni Yce.
Sina Bianca at Yce ang celebrity endorsers ng Mamu Bebu. At the same time, owner din nito si Bianca and her business friends and partners like si Sir Ron.
Naging successful naman ang launching ng Mamu Bebu sa Mama Expo sa Megatrade Hall for three days (March 1-3).
留言